Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

McCoy at Elisse, nagkabalikan

NAGKABALIKAN na kaya sina McCoy DeLeon at Elisse Joson? Palaisipan kasi sa 2M followers ng binata kung para saan ang larawang ipinost nito na magkasama sila ng dalaga na hinagkan niya sa noo habang sakay sa isang yateng umaandar.

Ang caption ni McCoy sa post niyang larawan nila ni Elisse, “Always all ways,” na kung iaanalisa ay parang may something ang dalawa.

Inisip naming may project ang dalawa lalo’t nasa Viva Artist Agency na ang aktor pero base naman sa sagot sa amin, “wala naman akong naririnig. Last film meeting wala naman nasabi.”

Nagpapasalamat din ang mga taga-Viva na napunta sa kanila si McCoy dahil kulang sila sa artistang lalaki dahil marami silang pelikulang naka-line up at kulang sila ng pang leading man.

Aba, ang suwerte ni McCoy pala sa paglipat niya dahil tiyak na may projects na kaagad siya at posibleng magkaroon ng shows din sa ibang network.

At mukhang botong-boto na muling nagkabalikan ang dalawa dahil umabot sa 209k likes at iisa ang sabi ng lahat, natutuwa sila sa dalawa at botong-boto lahat.

Sabi nga ni Eula Valdez“Uy, nagkabalikan!”

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …