Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pribadong CoVid-19 test labs imbestigahan (DOH at RITM pinagpapaliwanag)

PAIIMBESTIGAHAN ng Sangguniang Panlalawigan ng Pampanga ang mga pribadong testing laboratory na nagsasagawa ng swab test para sa CoVid-19, habang ipatatawag ang Department of Health (DOH) at Research Institute For Tropical Medicine (RITM) upang hingan ng paliwanag hinggil dito.

Ito ang tinuran ni Governor Dennis “Delta” Pineda sa kaniyang pahayag hinggil sa mga kaso ng CoVid-19 swab test na isinagawa ng mga pribadong laboratoryo na hindi nagkakatugma sa isinagawang swab test ng government facility kung kaya hiniling niya sa mga kinaukulan na imbestigahan ang mga nasabing laboratoryo na maaaring nagkaroon ng maling proseso upang maitama ang mga pag-aalinlangan na posibleng maglagay sa kapahamakan ng mga sangkot na mga pasyente.

Dagdag ni Pineda, lahat ng kaniyang ipina-reswab sa government facility ay asymptomatic at makaraan ang dalawa hanggang apat na araw ay nag-negative ang resulta.

(RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …