NAKARAOS na si Direk Erik Matti sa shooting ng pelikulang On The Job 2 ng Reality Entertainment matapos itong simulan almost three years ago.
Sa isang probinsiya naganap ang last shooting day na big scenes ang kinunan.
Post ni direk Erik sa kanyang Facebook page, ”After almost 3 years, it’s a goddamn fu#@in’ wrap! Thank you to the relentless passion of the staff cast and crew #OTJ2 #OnTheJob #Missing8.”
Si Dennis Trillo ang bida sa movie na pumalit kay John Lloyd Cruz.
Samantala, si Matti ang itinanghal na Best Director of a Scripted TV Program at the Content Asia Media Awards for 2020 para sa HBO Asia’s Food Lore.
Idinirehe ni Matti ang eight-part-series na Island of Dreams episode.
Sa totoo lang, unti-unti nang nakagagalaw ang local movies ngayon kahit wala pang kasiguruhan kung kailan magbubukas ang mga sinehan.
Bukas, September 1 na. Wala pa kaming balita kung ‘yung mga first four final entries sa 2020 Metro Manila Film Festival ay sinimulan nang mag-shooting at dapat sana ay inanunsiyo na ang remaining four final entries.
Matuloy kaya ang 2020 MMFF?
I-FLEX
ni Jun Nardo