Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Data privacy ng pasyente ipinaalala ng DOH

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa hindi awtorisadong pagsasapubliko ng mga pangalan ng mga pasyenteng dinapuan ng coronavirus disease 2019 (CoVid-19), na maaaring makulong at magmulta hanggang P2 milyon ang mga lalabag.

Pahayag ito ng DOH matapos makatanggap ng ulat na may kumakalat na listahan ng mga CoVid-19 positive patients.

“We call on the public to refrain from these lists around social media. This is illegal and perpetuates the stigma around CoVid-19,” pahayag ng DOH.

“Our kababayans are already going through enough as it is. Let us not exacerbate their situations… CoVid-19 is not a death sentence and fear is more dangerous than the disease.”

Muli rin inihayag ng kagawaran na dapat tiyakin ng health authorities na mananatiling pribado ang personal na impormasyon ng mga pasyente, sang-ayon sa nakasaad sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Nakasaad sa joint memorandum na inilabas ng DOH at ng National Privacy Commission na tanging health-care providers, public health authorities, at kanilang awtorisadong tauhan ang papayagang magkaroon ng access sa personal na detalye ng CoVid-19 cases.

Giniit ng DOH, ang hindi pinahihintulutang access at ilegal na paglalabas ng personal na impormasyon ng mga CoVid-19 patients ay may kaakibat na parusa sa ilalim ng Republic Act 10173, o ang Data Privacy Act of 2012.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …