Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bernadette, ‘di iiwan ang Kapamilya Network!

WALANG planong lisanin ni Bernadette Sembrano ang Kapamilya Network kahit tinanggal na siya bilang field reporter ng segment na Lingkod Kapamilya na wala na rin.

“Panalangin natin na hindi mawawala ang ‘TV Patrol,’ nakalulungkot kasi marami tayong kababayan na hindi na mase-serbisyuhan sa mga probinsiya kasi nagpaalam na last Friday,” sambit sa amin ni Badette.

Inamin ng news anchor na nalungkot siya pero kailangang magpatuloy ang buhay at huwag itong babaran dahil walang mangyayari sabay kumusta sa amin at sinabi naming nasa ‘surviving mode’ kami at apektado rin sa pagkawala ng ABS-CBN.

“Oo nga, lahat tayo apektado, pero may awa naman ang Diyos, ‘di ba?” sabi sa amin.

Binati namin na songwriter na pala siya ngayon at naka-jackpot dahil naging theme song ng umeereng teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na pinagbibidahan nina Maricel Soriano, Iza Calzado, Sam Milby,  at Jodi Sta. Maria.

“Yes, the hit song was a big surprise. Mahaba ang journey ko sa Music,” saad ni Ms Sembrano.

Nagsimulang magsulat ng lyrics si Bernadette noong 2019, ”started 2019 Ash Wednesday when I joined the choir sa ABS-CBN (ABS-CBN Philharmonic Orchestra). Ang dami ko ng naisulat na lyrics nasa 15 na lyrics; apat nalapatan na ng awit (melody) ni Louie Ocampo, Rox Santos and Jonathan Manalo of Star Music; Music and Lyrics at be released this week.”

Ang liriko ng Ang Sa Iyo Ay Akin ay tig-50% silang sumulat ni Jonathan pero ang melody na tunog rock ay galing sa creative director ng ABS-CBN Music.

Bakit rock ang tunog ng OST ng serye, ”Jonathan created the song with Aegis in mind kaya tunog Aegis. The kuwento of the song ay akma sa serye,” pahayag sa amin ng bagong kompositor ng kanta.

Samantala, bukod sa pagsusulat ng kanta ay nagsusulat din ng libro ngayon si Bernadette na ayon sa kanya ay pawang personal experiences niya noong nasa field work siya ang nilalaman ng libro.

Anyway, aminado si Mrs. Aguinaldo na sobra siyang nalulungkot at napaiyak pa dahil sa nangyari sa ABS-CBN na maraming empleadong nawalan ng trabaho at ang mga taong natutulungan ng network sa malalayong lugar at dito sa Metro Manila.


FACT SHEET
ni Reggee Bonoan 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …