Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kristel, nakabili ng bahay at mga sasakyan dahil sa Youtube

MUKHANG hindi namroroblema si Kristel Fulgar ngayong Covid-19 pandemic dahil kumikita siya sa pamamamagitan ng YouTube channel niya na may 1.76M subscribers na bawat post niya ng vlog ay hindi bumababa sa 100k ang views.

 

Kaya naman pala kahit hindi regular ang shows ni Kristel noong bukas pa ang ABS-CBN ay keri lang sa kanya dahil ang mga cover song na ina-upload niya sa YT channel niya ay pinakamababa ang 3M views.

 

At dahil dito ay inamin niyang nakabili siya ng sarili niyang bahay at mga sasakyan kaya abot-abot ang pasalamat niya sa Panginoong Diyos at sa lahat ng subscribers niya na sumusuporta sa vlogs niya.

 

Mayroon ng dalawang Gold Play buttons si Kristel na pangarap ng lahat na magkaroon nito na join na rin sa YouTube world.

 

Aniya, “May nagsasabi sa akin ang sipag ko raw mag-edit. Wino-workout ko para umangat sarili ko. Nagko-cover ako. Gumagawa ako ng paraan para maangat ‘yung sarili ko.

 

“Hindi ko makukuha ‘yung mga ‘yun without the help of God. Talagang blessing lahat ng ibinigay niya sakin. Tinitingnan ko ‘yun as blessing,” kuwento ng dalaga sa online show ng Star Magic na Star Beginnings.

 

“May motto ako sa sarili ko na hindi mo makikita ang isang bagay na mahirap kung ini-enjoy mo. Masaya kang ginagawa ‘yun.

“So, kahit sabihin na natin mukhang nakapapagod, pero dahil masaya ka, nag-eenjoy kang ginagawa, hindi siya nakakapagod.

“Masarap umangat, masaya parang every time na kunwari tumataas ang subscribers ko, gumaganda ‘yung roles na ibinibigay saken.

“Masasabi ko na hangga’t may nakaka-appreciate ng ginagawa ko, masaya ako at nag-eenjoy ako.

 

“Sabi ko sobrang achievement din ‘yung nakarating ako sa mga dream places ko, dream countries. Achievement din na hanggang ngayon artista pa rin ako.

 

“Nagawa ko na rin ‘yung pagpapagawa ng bagong house. Bumili ako ng mga kotse. Hindi ako sobrang mataas mangarap. ‘Pag mangarap ako, gusto ko ‘yung realistic.

 

“Hindi ko rin siya tinitingnan na parang may sakripisyo. Nagse-share na rin ako sa family ko ng mga sinesuweldo ko. Though hindi rin naman din kalakihan ‘yun. Pero natutuwa ako ‘pag kunwari kakain kami, sasabihin ko ay treat ko na ‘to,” masayang kuwento ni Kristel.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …