Monday , December 23 2024

Pagbomba sa Jolo kinondena ng Palasyo

MAIGTING na pagkondena ang inihayag ng Palasyo sa dalawang magkasunod na pambobomba sa Jolo, Sulu kahapon na ikinasawi ng pitong sundalo, apat na sibilyan, at isang pinaghihinalaang suicide bomber; at pagkakasugat ng 40 katao.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakikisimpatya ang Malacañang sa mga naulilang pamilya ng mga nasawi sa trahedya.

“We condemn in the strongest possible terms the explosion incidents in Jolo, Sulu today, which left scores dead and wounded, including soldiers. We likewise condole with the families and loved ones of those who died in these tragic incidents,” sabi ni Roque sa kalatas.

Nagsasagawa aniya ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang mga ‘salarin’ sa madugong pag-atake.

“Authorities are now conducting an investigation, which includes identifying individuals or groups behind these dastardly attacks,” ani Roque.

Nanawagan ang Palasyo sa mga residente ng Jolo na manatiling mapagbantay at iulat sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang personalidad at inabandonang mga bagay sa kanilang pamayanan.

“We call on the residents of Jolo to stay vigilant and report suspicious personalities and unattended items in their areas,” dagdag ni Roque. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *