Saturday , November 16 2024

Oligarchs ‘hinoldap’ sa ere ni Roque

HINDI nakapalag ang dalawang tinaguriang ‘oligarch’ ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ‘holdapin’ sila para magbigay ng dagdag na linya ng komunikasyon sa One Hospital Command Center habang naka-ere sa virtual Palace press briefing kahapon.

Unang tinawagan ni Presidential Spokesman Harry Roque sa telepono habang naka-live broadcast ang virtual Palace press briefing ang may-ari ng Globe Telecom Inc., na si Fernando Zobel de Ayala at hiniritan ng dagdag na linya ng telepono para sa One Hospital Command Center.

Idinahilan ni Roque sa kanyang ‘request’ kay Zobel de Ayala ang hinaing ni Health Undersecretary Bong Vega na mahirap kontakin ang One Hospital Command Center dahil puro cellular phones ang ginagamit.

Kailangan aniya ng mga linya ng telepono na puwedeng matawagan ng publiko kung may katanungan hinggil sa testing, tracing at treatment.

“How many lines would you need, Secretary?” sabi ni Zobel de Ayala kay Roque.

“Let me check with — can we have someone from Globe to contact you, Secretary? Someone contact you right away,” dagdag ng oligarch.

Tiniyak ni Zobel de Ayala na laging nakahanda at gagawin lahat ng kanyang kompanya para makatulong sa gobyerno ngunit depende sa ‘requirements.’

“We’ll do, and you know that we’re always assisting Secretary. It really depends on the requirements, but we’ll do our best to do assist you,” wika ni Zobel de Ayala.

Matapos kausapin ang Globe owner ay ‘binulaga’ naman ng tawag ni Roque si Manuel V. Pangilinan, may-ari ng PLDT at Smart Communications at hiniling rin ang ayuda ng negosyante para sa dagdag linya ng telepono sa One Hospital Command Center.

“We also have on the line Mr. Manny Pangilinan of Smart and PLDT. Sir, magandang umaga po. Pasensiya na po kayo, we are live — you’re live in our press briefing right now. Na-report po kasi kanina na medyo mahirap matawagan iyong One Hospital Command Center na pinamumunuan po ni DOH Usec. Vega. So hihingi lang po kami ng tulong, puwede ba ho natin sila bigyan ng fixed line sa PLDT dahil puro cellular lines daw po sila ngayon kaya medyo mahirap ma-contact iyong One Hospital Command Center. Mr. Pangilinan, you’re live sir,” ayon kay Roque sa kasagsagan ng press briefing.

“Yes sir, we will do that. We will do that right away and then who do we talk the need to know how many voice lines and data lines you need,” tugon nang tila nagulat na negosyante.

Isinangkalan muli ni Roque si Vega at sinabi  kay Pangilinan na ibibigay ang contact number ng DOH undersecretary.

“I’ll forward po the name and number of the DOH Undersecretary Bong Vega,” ani Roque kay Pangilinan.

Hindi pa nakontento sa tila pagpapakitang-gilas sa ere, nagpasalamat pa si Roque sa donasyon ni Pangilinan na P45 milyong halaga ng equipment sa East Avenue Medical Center.

“More to come, Mr. Secretary,” ani Pangilinan sa Palace spokesman.

“So that was MVP on the line committing additional lines po, landlines from PLDT for the One Hospital Command Center,” pagbibida ni Roque.

Maguguitanng noong 9 Hunyo 2020, ibinunyag ni dating Department of Information and Communication Technology (DICT) Eliseo Rio, Jr., na ang ang pagkuwestiyon niya sa kapabilidad ng StaySafe.ph bilang official contact tracing app ang dahilan nang pagsibak sa kanya sa puwesto.

Ayon kay Rio, hindi ligtas ang Staysafe.ph na inaprobahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious DiseaseS (IATF-EID) bilang official contact tracing app dahil mahina ang privacy protocols at abilidad sa contact tracing, ang mahalagang salik para makontrol ang paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ang Multisys Technologies Corp. ay isang kompanyang “partly owned” ng telco giant PLDT Inc. ni Pangilinan.

Nangamba si Rio na lumala ang COVID-19  sa Filipinas at lalong malugmok ang ekonomiya ng bansa nang ilang taon kapag iaasa lamang sa iisang contact tracing app ang pagkontrol sa pandemya.

Ani Rio, umuubra lamang ang StaySafe.PH sa 3G capable phones at mga bagong modelong cellphones kaya’t may 20 milyong Pinoy na gumagamit ng 2G devices ang maeetsapuwera bukod pa sa mahina ang signal sa ilang lugar sa bansa.

Ang StaySafe.ph aniya ay isang health monitoring app na may location tracker ngunit walang contact tracing capability.

Nagsisilbi itong database ng cellphone numbers maging ang kanilang location na maaaring gamitin sa paniniktik at sa eleksiyon, ayon sa ilang information technology experts.

Matapos bigyan ng 30-araw na ultimatum ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang MultiSys Technologies Corp., para isuko ang lahat na nakalap na datos ng Staysafe.ph sa DOH alinsunod sa IATF Resolution No. 45 na inilabas noong 10 Hunyo 2020, wala nang naiulat ang Palasyo kung tumalima ang kompanya.

Nagkaroon ng memorandum of agreement ang Multisys at Department of Health (DOH) tungkol sa donation at paggamit ng StaySafe.PH application; kasama nito ang source code, lahat ng data, data ownership at intellectual property.

Limang buwan mula nang isailalim sa iba’t ibang klase ng community quarantine ang mga rehiyon, probinsiya, siyudad at munisipalidad sa bansa, wala pang naikasang maayos na contact tracing system ang gobyerno.

May inilaang P5 bilyon para sa contact tracing system alinsunod sa Bayanihan to Recover as One bill na inaasahang lalagdaan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging ganap na batas. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *