Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yeng, tinadtad ng rapid test

TADTAD sa rapid test si Yeng Constantino dahil kung ilan pala ang programa ng isang Kapamilya star, iyon din ang bilang na ite-test siya for Covid-19.

Ito ang kuwento ni Yeng sa pagbabalik nila ng live sa It’s Showtime kamakailan na mahigpit na ipinatutupad ng Kapamilya Network ang health protocols at paggamit ng PPEs at Face Mask sa kanilang mga staff at artista.

Sa vlog ni Yeng na inilabas ng CS TV ay ikinuwento niyang balik-hurado na siya sa It’s Showtime, may guesting siya sa Magandang Buhay bago nawala at kinabukasan may ASAP siya.

Tatlo ang nabanggit na programa ni Yeng kaya tatlong beses din siyang nagpa-rapid test sabay pakita pa ng bulak na nasa kanang braso at tuwang-tuwang sinabing, ”negative ako!”

Kinukunan ni Yeng ang sarili sa pagpasok niya sa solo niyang dressing room bitbit ang backpack, make-up kit, at lagayan ng pagkain.

“Wala akong kasama kaya bitbit ko lahat, kasi bawal na. Kita n’yo mag-isa ako sa dressing room na dati ay mag­ka­kasama kami nina ate Kyla ngayon ay hindi na puwedeng magsama-sama sa iisang dressing room dahil nga sa social distancing. Medyo creepy pero ito ang pinaka-safest way. Mahirap mag-isa but this is not the hardest job in the world so I can’t complain,” say ng singer.

Inihanda na ni Yeng ang sarili, nag-make-up ulit dahil nabura iyon sa pagsuot ng face mask habang nasa biyahe.

Nakatapos nang ayusin ng mang-aawit ang sarili ay hindi pa rin siya tinatawag para pumasok sa studio at doon niya naalalang hindi pa pala siya kumakain.

“Hindi pa ako nagbe-breakfast, 2:15 p.m. na (sabay pakita ng inihandang pagkain ng asawa), ito ‘yung prinepare ni Yan, nilagyan niya ako ng tubig at coffee at itong food ko, brown rice at togue,” saad nito.

Nakatapos ng kumain ay hindi pa rin siya tinatawag kaya nanood muna ng paborito niyang Kdrama.

Hanggang sa tinawag na siya sa studio, ”grabe wala talagang tao, kami-kami lang. Nakakapanibago pa rin.

“Isang linggo ako sa ‘Showtime’ bilang isang Punong hurado, salamat sa ‘Showtime’ at thank you for watching this vlog,” say ni Yeng.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …