Monday , December 23 2024

Pokwang, naiyak; nagpasalamat sa pagsalo ng TV5 

NAGING emosyonal si Pokwang nang ikuwento niya sa virtual mediacon para sa game show niyang Fill in the Bank sa TV5 na malaki ang pasalamat niya sa APT Entertainment at Archangel Media dahil sinalo siya nang mawalan ng regular show sa ABS-CBN dahil hindi na ito nabigyan ng bagong prangkisa.
Kung hindi pa kasi nag-guest si Pokwang sa Eat Bulaga ay hindi pa malalaman ng lahat na wala na siyang kontrata sa Kapamilya Network.
Siyempre 15 years hindi po ganoon kadali (napaiyak), ang laki po talaga ng nabago ng buhay ko and nagpapasalamat ako ng sobra sa ABS, sa mga nagtiwala sa akin at nagpapasalamat pa rin ako kasi ako po ‘yung una nilang sinabihan na wala ng kontrata at dahil ganoon nila ako kaagang sinabihan, maaga rin akong nakapag-isip para sa pamilya ko.
 
“Kasi hindi po ako puwedeng huminto, hindi ako puwedeng ngumanga marami pong umaasa sa akin, so sa isang banda hindi ko rin po dapat ikatampo ‘yun kasi maaga kong naihanda ang sarili ko, maaga naisalba ‘yung pamilya ko and thank you po sa APT (Entertainment) sa Archangel (Media) na talagang bukapo ‘yung pintuan nila buti nalang may sumalo kaagad sa akin kaya sobrang thank you, thank you po talaga.
 
“Napakalaki ng tulong na ito sa pamilya ko. Hindi po mawawala siyempre kung ano ‘yung (naitulong) sa akin ng ABS, thank you po talaga,” naluhang sabi ng komedyana.
Sobrang supportive ng Banana Sundae family niya nang malamang nasa Kapatid Network na siya.
My ‘Banana’ family kasi mayroon kaming group chat at naiintindihan nila, intinding-intindi nila ako.  Sabi ko nga, ‘mga anak kung ako lang ito, kung wala lang akong anak at ina na gagamutin habambuhay, kaya kong maghintay, kaya kong mag-stay,’ at naintndihan nila at very thankful ako na supportive sila kung nasaan man ako ngayon.
 
“At nakatutuwa kasi nagme-message sila (Banana Sundae family) sa akin na ‘mamang you deserved that ‘yung mga show na mayroon ka ngayon alam namin ipinagdasal mo ‘yan, bagay sa ‘yo.’ Ang hirap kasi naiwan ko sila pero ramdam mo na ang suporta nila ay 100% which is nakatutuwa,” paliwanag pa.
Inamin ding hindi pa siya totally adjusted sa bago niyang tahanan.
Ako, honestly hindi pa ako nakakapag-adjust talaga. Alam n’yo naman kaming mga komedyante malilikot kami at kapag nagkita-kita kami ay sanay kami na pisikalan (batian).  Ang hirap lalo na kapag nakikita mo ‘yung mga kaibigan mo na gusto mong yakapin, pero iisipin mo pa ring maging responsable ka kasi hindi naman puwedeng ikaw lang ‘yung maligtas kasi lahat dito may mga pamilya, lahat nag-risk magtrabaho para makapagbigay kami ng magandang show para mapasaya ang mga manonood, so ang hirap pa rin, pero siyempre ‘pag inisip mo na mayroon kang responsibilidad, kailangan mong um-adjust ng bonggang-bongga,” pahayag ni Pokie.
Anyway, ang Fill in the Bank ay mamimigay ng premyong P150,000 tuwing episode at sa buong buwan ng Agosto ay pawang celebrities ang guests tulad nina Ronnie Alonte, Jerome Samonte, Aubrey Miles, Jacq Yu at marami pang iba.
Ang Fill in the Bank ay napapanood tuwing Lunes, MIyerkoles, at Biyernes, 7:30 p.m. sa TV5.
Samantala, ang isa pang programa ni Pokwang sa TV5 na Chika BESH na napapanood tuwing 10;00 a.m. mula Lunes hanggang Biyernes ay may ilang netizens na nagsabing walang bago sa show at ikinompara pa sa Magandang Buhay na wala na ngayon dahil nawala na ang ABS-CBN.
Kasama ni Pokwang sa Chika BESH sina Pauleen Luna-Sotto at Ria Atayde.
Actually marami ‘yan ganyan style isa-isahin natin po ha, ‘Sis’ with Gelli de Belen, Janice (de Belen), at Carmina (Villaroel).  ‘Mars’ with Camille (Prats), Iya Villania, Suzie Entrata, ‘Kris and Korina.’ Mayroon pa, marami pa ‘yan ‘day.  ‘Morning Girls’ Zsa Zsa Padilla, Kris (Aquino) and Carmina.  So saan at sino nagsimula?” katwiran ng komedyana.
Dagdag pa, “baka po may idea kayo na mai-share, limahan naman ang hosts hindi tatlo lang gawin nating lima, ‘yung walang upuan ang guest.”
May nag-react sa sagot nito, ‘Kakaumpisa pa lang ng show, positive dapat ang reply mo Pokie, hindi ‘yung negative ang dating. Iangat mo ang bago mong kabuhayan, ‘wag mong hilahin pababa!”
Marami namang sumang-ayon sa pahayag ni Pokie, “Wala namang sinabing negative si Pokwang. Inilista lang n’ya ‘yung similar female hosted talk shows.  Ano ba dapat ang sagot? Dapat ba inaamo ang netizens/troll just to look “positive” to your likings?? Gosh! Totoo naman talaga ang sinabi ni Pokwang eh! At wala nga sa kalingkingan ng mga naunang morning shows ang ‘Magandang Buhay’ na ‘yun.”
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *