Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Respeto sa 5 direktor na sumalang sa YT ni Direk Cathy, pinangangambahang mawala

MGA kilalang lalaking direktor naman ang inimbita ni Direk Cathy Garcia Molina sa kanyang YouTube channel na Nickl Entertainment tulad nina Ruel S. Bayani, Ted Boborol, Dado Lumibao, at Jerry Sineneng.

Successful ang no holds barred tsikahan ni Direk Cathy kina Direk Sigrid Bernardo, Irene Villamor, Antoinette Jadaone, at Mae Cruz-Alviar kaya itinuloy ito sa mga lalaking direktor.

Tinanong ang apat kung ano ang gusto nilang pangalan sakaling maging babae sila at bakit?

Tumatawang sabi ni direk Dado, “Siguro Joey kasi puwede siyang (babae o lalaki). At saka ‘pag may pinupuntahan ako, ang ginagamit kong pangalan sa log book, Joey Bustamante, ha, hahaha. At saka noong nauso ‘yung chat-chat dati, ang ginagamit kong pangalan Michelle Factoran.”

Super tawanan na naman ang lahat sabay hirit ni RSB, “’yung apelyido mo parang may sina-suggest ah”

“Ako eversince ang gusto kong pangalan Audrey kasi si Audrey Hepburn. Kapag binanggit mo ‘yung pangalan na ‘yan, siya ang naaalala mo,” pahayag ni direk Ruel.

Mga Royalty Queens naman ang tipo ni direk Jerry, “Elizabeth, Diana, Princess Grace, mga ganoon hindi ko alam kung bakit feeling reyna lang.”

“Pangangatawan ko na ang Theodora,” say ni direk Ted na ang tunay na pangalan ay Theodore. “Kasi bayani at matalino.”

Ang sumunod na tanong, ‘ano ang gusto nila, mahabang payat o maikling mataba?’

Muling naghagalpakan ang mga direktor at tanging nasabi na lang nila, ‘oh my God, Dyusko, ano bang ita-title ko sa show na ito.’

“Mahilig kasi ako sa chubby so, roon na lang ako sa maiksing mataba,” nakangiting sabi ni direk Dado.

Hirit kaagad ni direk Jerry, “Dado, diretsuhan talaga?” at tawanan na naman lahat.

“Sa height ba ito?” tanong ni direk Ruel, “maganda kasi ang payat at mahaba kasi iyon ang hinahanap sa modelling at beauty pageant.”

“’Di ba kulang tayo sa height, so ako naman gusto ko mahabang payat para hindi naman mas lalong pumandak,” sabi rin ni direk Ted.

May ibang interprestasyon naman si direk Dado, “’di ba kasi ‘pag mataba, parang ang sarap niyang gawing unan.”

“Dado, ano ba sinasabi mo?” nalokang tanong ni direk Jerry.

Maging si direk Ruel ay naloka sa sinabi ni direk Dado, “ewan ko sa ‘yo, sa pinagsasabi mo mapapahamak tayo nito.”

At si direk Jerry, “kamukha rin ng sinabi n’yo, mahabang payat, model figure, mas magandang bihisan at mas magandang gumalaw.”

Hanggang sa ini-reveal na may kadugtong pala ang tanong, ‘mahabang payat o maikling mataba…tulay.’

Say ni direk Cathy, “buwisit tulay (pala).”

“Mahirap sa mahabang tulay kasi baka magka-earthquake,” sagot kaagad ni direk Ruel.

At nagpaliwanag si direk Ruel, “Ladies and gentlemen sa mga nanonood po sa amin, nakapaka-tatalino po ng sagot namin sa mga tanong, alam ko po na nawalan na kayo ng respeto sa aming lahat pero hayaan na natin marami pong pinagdaraanan ang mga tao, may pandemya. 

“Serious na po ito, kaya po namin ito ginawa ay dahil mahal namin si direk Cathy at talagang kami ay very supportive sa lahat ng mga effort niya. Sabi namin ay ‘bakit hindi’ at hindi kami nagdalawang isip at alam ni Cathy na magkakaibigan kami mula hanggang dulo kahit kailan mo kami kailangan nandito kami.”

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …