Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria, excited; Na-challenge kina Pokwang at Pauleen

EXCITED na si Ria Atayde sa unang hosting job niya sa telebisyon, ang Chika, BESH! Basta Everyday Super Happy kasama sina Pokwang at Pauleen Luna-Sotto na mapapanood ngayong umaga, 10:00 a.m. sa TV5.

Sa mga hindi nakaaalam, magaling na host si Ria at nagagamit niya ito kapag may mga gathering sa school nila noong nag-aaral pa siya at sa mga party ng pamilya’t kaibigan.

Isa ito sa pangarap ng dalaga noong nagdesisyon na siyang pasukin ang showbiz, ang maging TV host, pero nakitaan agad siya ng husay sa pag-arte hanggang sa nagtuloy-tuloy na.

Kaya naman iba ang galak na naramdaman ni Ria nang alukin siya ng APT Entertainment na maging host kasama sina Pokwang at Pauleen sa programang sila ang magla-line produce para sa Kapatid Network.

Pero bago ito tinanggap ng aktres ay nagpaalam muna siya sa Star Magic na may offer sa kanya ang APT Entertainment na hindi alam ni Ria ay naipaalam na siya.

Kuwento sa amin ni Cris Navarro, handler ni Ria sa Star Magic na siya pa ring nagma-manage sa dalaga, ”Ria is still exclusive with Star Magic. And we are grateful for APT Entertainment for giving her an opportunity to be one of the hosts of their line-produced show in TV5, ‘Chika BESH.’”

What if bumalik na sa ere ang ABS-CBN, paano ang Chika BESH na umeere pa?

“Siyempre po may commitment kami sa APT at hindi naman po puwedeng i-pull-out na lang si Ria agad-gad. Kahit na anong project na ibinigay, you have to finish it. Pero siyempre Ria can do other works naman for ABS-CBN basta not same category kung anuman mayroon siya with APT,” katwiran sa amin ni Cris.

Challenging kay Ria ang makasama sina Pokwang at Pauleen dahil siya lang ang millennial na iba ang point of view bilang dalaga na wala pang alam sa buhay may-asawa.

Pero nakasisiguro kasi na magkakasundo sila pagdating sa pagluluto dahil silang tatlo ay magagaling magluto, iba’iba nga lang ang specialty.

Abangan na ngayong umaga ang Chika BESH! Basta Everyday Super Happy sa TV5 at may replay kinabukasan sa Colours Channel (Cignal TV ch 60), 11:00 a.m..

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …