Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpa-piano ni Yohan, naka-2M views, trending pa

UMABOT sa mahigit 2M views ang pagtugtog ng piano habang kumakanta si Yohan Santos-Agoncillo, panganay nina Ryan at Judy Ann Agoncillo kaya naman trending ito sa social media kamakailan.

Parang kailan lang ay batang maliit pa si Yohan na laging kasama ni Mommy Carol Santos sa mga lakad niya pero heto at dalagita na.

Ang daddy Ryan ni Yohan ang nagbi-video sa kanya kapag tumutugtog siya at kumakanta kaya naman kapag may mali ang bagets ay mega-push ng TV host.

Minsang tumutugtog si Yohan at nalimuntan ang chord, ”sorry, I missed that chord.” Sagot naman ni Ryan sa anak, “again, okay Let’s cheer for ate.”

At dahil proud ang lola ni Yohan na si Mommy Carol ay talagang ipinadala sa amin ang video na humanga rin kami talaga.

Tinanong namin si Mommy Carol na puwedeng sumali si Yohan sa The Voice Kids.

Sagot kaagad ng lola, ”Walang planong isali sa contest, aral muna sabi ng nanay (Judy Ann) niya.

Edad 15 na si Yohan at nag-aaral sa Montessori.

Kuwento pa ni Mommy Carol, ”Si Ima Castro ang nagbibigay ng voice lesson kay bagets. Piano lesson sa area nila may nagtururo. Matagal na siyang nagpi-piano, guitar, at ukelele marunong din. Talented talaga ‘yung bagets. Mahiyain lang ‘pag kami kami lang at saka kumakanta at magaling ding sumayaw.”

Nakatutuwa na ang tatlong anak nina Ryan at Juday ay may kanya-kanyang talent, si Yohan sa music, si Lucho ay sa sports, at si Luna ay  sa pagluluto dahil lagi siyang kasa-kasama ng nanay niya sa mga niluluto nito.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …