TAKANG-TAKA ang komedyanang si Kitkat Favia na maraming bumabati sa kanya kahapon ng ‘happy birthday’ gayung sa Setyembre 23 pa siya magdiriwang ng ika-33 taong gulang.
Nagsimula kasi na may lumabas sa FB memory page niya na binabati siya ng maligayang kaarawan ng kanyang Star Magic family na ikinatataka rin niya kung bakit lumabas gayong Agosto 17 palang kahapon.
At dahil trending na ang mga bumati sa kanya, nag-post na siya na sana magbasa muna ang lahat bago mag-share o magkomento.
“HINDI KO PO BIRTHDAY!!!’, Ito ang bungad post niya kahapon ng tanghali.
Dagdag pa, “San ba galing ang greetings nyo? BAKIT N’YO PO AKO BINABATI NA BDAY KO? ‘YUNG UMAKYAT NA POST MAY CAPTION NA SEPTEMBER 23 AT MAY DATE NAMAN. BAKIT DI PO TAYO NAGBABASA NG CAPTION AT DATE? Ha hahaha?
‘’Kaya maraming nagiging fake news share-share at tatak sa utak e, anong nangyayari sa reading compre (comprehension) natin mga Pinoys? Hehehehehhe. MADALAS DIN ‘YUNG “WAS LIVE” magco-comment di daw sila pinapansin “WAS” nga oh ibig sabihin tapos na di ba? Basa-basa tayo guys! Hahahah.”
Hayan, nag-sermon tuloy si Soraya Ray Banas aka Kitkat.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan