Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P5-M tulong ni Willie, idiniretso na lang sana sa mga jeepney driver

BALIK-LANSANGAN ang ilang jeepney driver para mamalimos dahil sa kawalan ng kita simula nang sumailalim sa MECQ ang Metro Manila at bawal bumiyahe ang mga pampublikong transportasyon.

 

Iilang araw palang nakababalik ang ilang ruta ng jeep ay heto at kaagad na namang pinahinto dahil pinagbigyan ang kahilingan ng ating Frontliners na magkaroon ng time out dahil pagod na sila at hirap ng tugunan ang mga dumaraming kaso ng Covid-19.

 

Agarang dinesisyonan ito ng pamahalaang Duterte na nakaligtaan kung paano mabubuhay ang mga kumikita ng arawan lalo na ang mga drayber na ilang buwang gutom simula pa noong Marso dahil hindi naman lahat ay nabigyan ng SAP.

 

Anyway, galing sa hirap at nakaranas kumalam ang sikmura si Willie Revillame kaya kaagad siyang nagsabing magbibigay ng P5-M cash assistance para sa jeepney drivers at tig-P100K sa pamilya ng apat na OFWs na namatay sa pagsabog sa Beirut, Lebanon kamakailan.

 

Maraming nag-react na sana idiniretso ni Willie sa mga drayber ang tulong pinansiyal at hindi na idinaan pa sa gobyerno ang pamamahagi.

 

Nauna nang natulungan ni Willie ang ilang draybers sa Caloocan noong Marso nang i-lockdown ang Metro Manila dahil sa Covid-19 pandemic.

 

Pabor naman kami na hindi na talaga idaan pa ni Willie sa gobyerno ang P5-M para ipamahagi sa mga drayber dahil may mga staff naman siyang pinagkakatiwalaan at tiyak na mas mabilis itong makararating pa sa mga nasabing pamilya.

 

Umani naman ng papuri ang Wowowin host sa pagmamalasakit niyang ito at nangyari ang anunsiyo sa press briefing ni Presidential Spokesperson, Harry Roque na ginanap sa Wil Tower na pansamantalang ginagamit ngayon dahil sa pandemya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …