NAALARMA ang Bise Gobernador ng Cavite na si Jolo Revilla dahil nagpositibo sa Covid-19 ang amang si Senador Bong Revilla na ipinost nito sa kanyang FB account nitong Linggo.
Base sa post ni Senator Bong, “Nakakalungkot po na balita – I am COVID-19 positive. Pero huwag po kayo mag-alala, I am okay. Sila Lani at ang mga bata ay okay rin at sa awa ng Diyos, ay negative naman lahat.
“Kami ay nagpatest at nag-isolate agad matapos may mag-positive sa aming household at isa sa aking mga tauhan.
“I was last in the Senate on Monday before all of this, and was last out on Tuesday nu’ng 40th day ni Daddy.
“Sa payo po ng aking doktor ay itutuloy ko ngayon ang aking quarantine, but will be under observation.
“Kasama ang inyong mga dasal, at sa grasya ng Panginoon, makakaraos at malalampasan din natin ito.
“Ngayon pa lang, salamat po sa inyong mga panalangin. Thank you for your prayers.”
Kaagad ding humiling ng panalangin si Jolo sa mga taga-Cavite para sa ama na idinaan niya sa kanyang FB account.
“Mga kalalawigan, nais ko pong hilingin sa inyong lahat na sama-sama po nating ipagdasal ang agarang paggaling at kaligtasan ng aking papa na si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. na nag-positibo sa COVID-19.
“Sa awa ng Diyos, asymptomatic naman po siya habang ang aking ina na si Mayor Lani sampu ng aming pamilya ay nag-negatibo. Malaki po ang magagawa ng ating pinagsama-samang panalangin. Ngayon pa lang, taos puso na po kaming nagpapasalamat sa inyong panalangin at pagmamahal!”
Mula sa Hataw ay nanalangin din sa agarang paggaling ni Sen. Bong.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan