Monday , December 23 2024

2 Palace employees na Covid-19 positive ‘isolated’ sa bodega ng Malacañang (Multi-bilyong isolation facility nasaan?)

ni ROSE NOVENARIO

HABANG mahimbing ang tulog ng matataas na opisyal ng Palasyo sa magagara nilang bahay, may dalawang empleyado ng Malacañang na nagpositibo sa coronavirus disease (CoVid-19) ang hindi malaman kung paano iiwasan ang tumutulong bubong, malamig at malakas na hampas ng hangin at ulan sa mala-tambakan ng basurang pinaglagakan sa kanila bilang ‘isolation facility.’

Ayon sa source, ang kalunos-lunos na kalagayan ng dalawang empleyado ay taliwas sa ipinangangalandakan ng Palasyo na mala-hotel na isolation facility na minamantina ng gobyerno.

Ang dalawang kawa­ning nabanggit ay mula sa Engineering Office sa Office of the President (OP) at ilang araw nang nagtitiis sa pinaglagakan sa kanilang bodega cum tambakan ng mga construction materials at sirang gamit sa Palasyo.

Napag-alaman na may isang opisyal umano ng Palasyo ang nairita nang mabulgar sa media ang kalagayan nila sa tambakan kasama ng mga sirang aircon­ditioning unit, semento, yero, bakal, at iba pang construction materials.

Anang source, masahol pa sa evacuees ng kalamidad ang sitwasyon ng dalawang Palace employees, at mistulang aso na abandonado ng kanilang amo.

Wala aniyang maayos na tulugan, kainan at palikuran sa pinag­sadlakan sa dalawang kawani na napilitang manatili roon sa takot na makahawa sa ibang tao at mawalan ng trabaho kapag hindi nila sinunod ang utos ng opisina nila.

“Sigurado kahit kakarampot ang suweldo ng dalawa ay takot pa rin silang mawalan ng trabaho lalo sa panahon ngayon kaya tinitiis na lang nila ang hindi makataong trato sa kanila ng gobyerno,” anang source.

May isang quarantine facility sa Clark sa Pampanga na idine­klarang pagdadalhan ng mga empleyado ng pamahalaan na nag­positibo sa CoVid-19.

Ang kasalukuyang pinuno ng OP Engineering Office ay kinilalang si Edgardo Torres, may posisyong Director IV na tumatanggap ng buwanang sahod na P137,000 sa Salary Grade 27.

“May IATF guidelines at ordinance ang ilang LGU gaya ng Maynila at Pasay kaugnay sa diskriminasyon laban sa  persons with CoVid-19. Paano kung mismong Malacañang ang nag­papabaya o may dis­kriminasyon, kakasuhan at makukulong ba sila,” anang source.

About Rose Novenario

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *