Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Show nina Kris at Vice Ganda, urong-sulong

HINAHANAP ng tao ang The Vice Ganda Network ni Vice Ganda, ano na raw baa ng nangyari, bakit naunsiyame ang pag-upload?

 

Naikompara pa si Vice sa kaibigang si Kris Aquino na urong-sulong ang programang Love Life with Kris sa TV5 na dapat sana ay eere na ngayong Agosto 15 pero hindi mangyayari dahil bukod sa MECQ, tigil pansamantala ang lahat ng live o taping ng entertainment shows at teleserye ay Ghost month pa.

 

Pero ang tsika namang nakuha namin ay may hindi pinagkasunduan ang producer ng show ni Kris at ng kampo niya at kung anuman iyon ay abangan ang official statement ng Cornerstone Entertainment na namamahala ng karera ng Queen of All Media.

 

Going back to Vice, nakausap naman namin ang taga-Viva at nabanggit sa amin, “sobrang inaayos now ang firewall para hindi na mag-crash. Pinagbubuti masyado.”

 

At kaya rin natagalan ay dahil skeletal ang pasok ng mga empleado ng Viva, pawang mga big bosses lang ang nasa opisina at ang rank and file ay work from home lahat.

 

Siguro naman kahit work from home ang may hawak ng digital network ni Vice ay magagawa pa rin niya, ‘di ba Ateng Maricris?

 

Sabi pa ng netizen, nauna pa ang Sharon Cuneta Network na ipinost last August 4.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …