Monday , December 23 2024

Mega web of corruption: Hirit kay Bong Go ng IBC-13 workers 34-taon kalbaryo tuldukan

ni ROSE NOVANARIO

PINASIKAT ng administrasyong Duterte ang slogan na “No to Fake News” bilang pangontra sa umano’y mga pekeng balitang ipinakakalat ng kanilang mga kritiko.

Kaya umaasa ang mga obrero ng state-run television network at government-owned and controlled corporation (GOCC) na hindi ‘fake news’ ang itinambol na “Tapang at Malasakit” ng administrasyong Duterte, lalo na ni Sen. Christopher “Bong” Go, ang kilalang kanang kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ay mahigit apat na taong pinaaasa ang mga empleyado ng IBC-13, ang liham ng mga empleyado ay mahigit tatlong buwan nang nakatengga sa tanggapan ni Go.

Sa kanilang liham kay Go noong 19 Abril 2020, hiniling ng IBC Employees Union (IBCEU) ang tulong ng senador para maisakatuparan ang matagal ng balak na pagsasapribado o privatization ng IBC-13.

Anila, mahigit 34 taon na mula nang ma-sequester ang IBC-13, wala pang nakikitang konkretong aksiyon tungo sa privatization ng network samantalang isa sa mga komitment ng mga nakalipas na administrasyon ay ang pagsasapribado ng sequestered broadcast networks.

Inihayag ng IBCEU ang pagnanais na privatization ng state-run network dahil ito ang permanenteng solusyon at pinakamainam na tugon sa walang katapusang pahirap sa mga obrero ng mga opisyal na iniluklok sa bisa ng kapit sa politiko.

Nagpatuloy ang sistema anila mula sa administrasyong Corazon Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Mcapagal-Arroyo, at Noynoy Aquino.

“The program of privatization that passed through the series of administrations mentioned lasted for the past thirty-four (34) years. Ironically, no privatization in its real and concrete sense ever took place,” anang IBCEU.

Giit ng IBCEU, ang pag-asa ng mga obrero na makamit ang inaasam na privatization ay tila mailap pa rin bunsod ng kawalan ng malinaw at konkretong  plano ng PCOO sa nakalipas na apat na taon.

Matagal na anilang nagdurusa ang mga empleyado ng IBC-13, walang basic pay increase alinsunod sa collective bargaining agreement (CBA) noong 2008, ang mga benepisyo na nakasaad sa CBA ay hindi ipinagkaloob nang husto habang ang matataas na opisyal ng korporasyon ay nagpapasasa sa mataas na sahod, benepisyo at pribilehiyo gaya ng communication, fuel and transportation allowance, representation and transportation allowance (RATA) at iba pa.

“This, not to mention several internal abuses of some managers specially the HR manager using her power to suppressed employees that are against her administration,” sabi ng IBCEU.

Si Corazon Reboroso ang HR manager at officer-in-charge ng IBC-13 kapalit ni Katherine de Castro na itinalagang general manager ng People’s Television Network Inc.

Sa pagsusulong ng privatization, muling iginiit ng mga empleyado ang nauna nilang posisyon na ang privatization package ay dapat igarantiya ang pagbabayad nang buo para sa separation at retirement pay at kanilang mga benepisyo.

“We gladly welcome and appreciative of the wisdom of your plan to provide the monetary assistance for the incumbent employees to finally reduce IBC-13’s personnel needs, and thereby shrinks its operating cost, making it more attractive to prospective buyers, of which we understand there are few who have been waiting sometime for the bidding process to start,” anang IBCEU.

Sa kasalukuyan, umabot na sa daan-daang milyong piso ang utang ng management sa mga aktibo at retiradong empleyado.

Sa inilabas na 2019 Report on Salaries and Allowances (ROSA) ng Commission on Audit (COA), tumanggap si Katherine de Castro  bilang President & CEO/BOD member 2,761,478.76; Corazon Reboroso, Manager 1,077,367.82; Jose Ramos, Manager 969,247.22; Josefino Girang, Manager 926,768.10; David Fugoso, Manager 914,932.38; Gina Borinaga, Manager 838,341.98; Ronie Suarez, Manager 707,565.34; Ma. Corazon Robles, Manager 639,911.56; Maria Victoria Batacan, Director 763,408.10; Ma. Magdalena Gasmido, Director 693,972.68; Marivic Villanueva, Director 643,969.65; at Gina Jalandoon, Director, 391,053.93.

Si Reboroso, ayon sa mga empleyado, ay sumikat sa IBC-13 dahil imbes ganap na ipatupad ang regional wage hike, binawasan umano ng sampung piso ang umento sa sahod kahit kakarampot na ang naiuuwing suweldo ng mga kawani sa kanilang pamilya.

Halos isang taon na ang nakalipas o noong 19 Agosto 2019, nagpadala rin ng liham si IBCEU president Alberto Liboon kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na humiling imbestigahan sina Reboroso, Fugoso, at Girang dahil sa ilang taon nang iregularidad sa state-run network.

Bukod kay Belgica, binigyan din ng kopya ng sulat sina Andanar,  Go, at De Castro.

Hanggang ngayon, taingang-kawali ang mga opisyal ng administrasyong Duterte sa hinaing ng mga obrero ng IBC-13.

“Para silang nakasuot ng maskara kapag nakaharap sa publiko,” himutok ng mga empleyado. (MAY KASUNOD)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *