Friday , November 22 2024

Perci Intalan, balik-TV5; Robert Galang, masusubok ang katatagan

BAGO ang virtual mediacon ng TV5 para kina Perci M. Intalan at bagong presidente ng network na si Mr. Robert P. Galang ngayong araw, Huwebes, naka-chat namin ang una nitong Martes ng gabi tungkol sa mga bagong ihahain ng Kapatid Network sa kanilang manonood.

Matatandaang si Perci ang Vice President at may hawak ng Entertainment Department ng TV5 noong glory days nito dahil pawang tinatangkilik ang mga programa nila na sinimulan ng Juicy na nakilala bilang host si Alex Gonzaga, sinundan ng iba pang talk shows tulad ng Paparazzi; Face to Face na talagang talk of the town na si Tyang Amy Perez ang host; Midnight DJ ni Oyo SottoValienteMac and ChizBabaeng HampaslupaTalentadong Pinoy at marami pang iba.

Kaya unang tanong namin kay PMI (tawag namin kay Perci) ay kung babalik na siya ulit sa TV5 at hahawakan na niya ang departamentong iniwan niya noon.

“Ha ha ha give chance to others na ako, consultant lang talaga,” saad nito.

Umalis noon ng TV5 si Perci dahil gusto niyang magdirehe na isa sa passion niya kaya nagtayo sila ng partner niyang si Direk Jun Robles Lana ng production company na IdeaFirst Company at naging line producer sila ng mga pelikulang Born Beautiful, The Panti Sisters, Unforgetable, LSS, The Girl Allergic to Wifi, Kalel 15, I AM U at ang talk of the town na umeereng digital series na Game Boys.

Nabanggit ni PMI na okay ang bagong presidente ng Kapatid Network.

“I think magugustuhan n’yo (media) siya, simple at down to earth, dating head ng Sales ng Cignal,” aniya.

Hirit namin na ‘pareho mo rin na down to earth at malapit sa entertainment press, “wow, salamat naman.”

Inamin din na hindi pa kompleto ang line-up ng entertainment shows ng TV5.

“Hindi pa, alam mo naman ang free to air, never naman saradong-sarado lahat. Laging may nababago sa plano o nadaragdag. Actually, doon din ako nakatutulong sa kanila kasi sanay na ako sa mga last minute changes ng TV. Pero at least marami-rami nang nasa plano,” say ni PMI.

Nabanggit din na ang mga programang blocktimer ng APT Entertainment na Fill in The Bank at Bawal na Game Show ay line producer ang Cignal.

Ang bagong bihis na prorama ni Ryan Agoncillo na Bangon Talentadong Pinoy ang namumukod tanging show palang ngayon ng IdeaFirst Company dahil co-producer nila ang TV5.  Matatandaang sumipa nang husto ang reality show na ito noong 2008.

Natatawang kuwento pa ng consultant ng Kapatid Network na mala- MMK o Magpakailanman ang taping ng Bangon Talentadong Pinoy dahil inabot ng dalawang araw.

“Kasi binago namin ang format. Mas masaya pa siya. Pero ang hirap ding gawin,” saad pa.

Sa pagpapatuloy ni PMI, “Kasi ‘di ba defending champion ang format ever since? Kaya designed siya na magtuloy-tuloy lang. Mas siksik pa sa contestants now.”

Ang malaking pagkakaiba sa format ng show para sa new normal ay hindi na pupunta ng studio ang mga contestant dahil sa kani-kanilang mga bahay na lang sila magpe-perform.

“Sa house lang lahat! Total social distancing he he. ‘Yung natutuhan namin sa ‘Gameboys’ (shoot at home), in-apply namin dito sa ‘Bangon Talentadong Pinoy.’ Si Ryan at judges sa house lang din. Pati sina Direk sa house rin.”

Inaming mahirap gawin ang bagong new normal shoot, “sobrang hirap actually. Pero worth it. Kasi now pwede kaming magka-contestants kahit pa sa ibang bansa.”

At ang mga hurado ng BTP ay sina John Arcilla, Janice de Belen, at Joross Gamboa.

“Bago na ang mundo kaya bago na rin ang atake ng mga Pinoy. At ‘yun ang ipinakikita namin sa ‘Bangon Talentadong Pinoy,’” say pa ni PMI.

Malaking tulong ito sa contestants dahil bukod sa wala na silang gastos sa pamasahe ay kikita na sila kahit nasa bahay lang.

“Yes! Once ipinakita ka sa show, automatic P2K. Then ‘pag pasok ka sa Top 4 may P10K bawat isa. Then ‘yung isang winner for the week ay may P50K.

“’Yan talaga ang naisip namin noong binuo ‘yung show. Kailangan ng tao ng pagkakakitaan. Kaya inisip namin ‘yung mga talento nila pwedeng automatic may pera na agad na katapat.”

Dagdag pa, “’yung weekly winner pwedeng i-defend ang title for 5 weeks, so aabot siya ng P250K ‘pag ganoon.”

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Mercy Sunot Aegis

Cancer traydor na sakit, dumale kay Mercy ng Aegis

HATAWANni Ed de Leon PUMANAW ang soloista ng AEGIS band na si Mercy Sunot sa edad na 48 lamang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *