Wednesday , December 25 2024

May unsolicited advice si Arnell Ignacio kay Jennylyn Mercado

Arnell Ignacio was able to notice that for the past few months, actress Jennylyn Mercado is fast becoming strongly opinionated in some issues in connection with politics.

Famous si Jennylyn bilang prized female star ng Kapuso network and also known as a box-office female lead on the big screen opposite big named personalities

like John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Dennis Trillo, Derek Ramsay, Sam Milby, and Coco Martin.

Arnell, on the other hand, is known as a game show host.

Lately, may payo siya kay Jennylyn sa Facebook: “Payo lang, ‘wag n’yo na pasukin ang hindi ninyo linya. You have very successful careers dahil mahusay kayo sa linyang pag-aartista.

“Do not ever think the power of popularity will instantly translate into mastery of the political jungle. Wawasakin ninyo mga careers ninyo.”

Anyhow, lately, pinapurihan si Jennylyn nang magpakita siya ng suporta sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan nang trabaho right after ibasura ng Committee on Legislative Franchises ng House of Representatives noong July 10, 2020 ang application ng network for a new franchise.

Anyhow, marami ang nakapuna sa kanyang mahabang post last July 10 on Facebook: “Sa mga taong tuwang-tuwa sa mga pangyayari, huwag n’yo sana danasin ang lumuha din at mawalan.

“Hindi ba tinuruan tayo ng ating mga magulang na maging makatao sa kapwa? Rejoicing because of other people’s sorrow is not only wrong, but inhumane.

“You are cruel.

“If you say that then everyone should be held at the same standard.

“Huwag muna tayo mag-mañanita. Ang importante ngayon, ang mga taong nawalan ng trabaho lalo na at pandemya.

“Ang daling sabihin na okay lang sa inyo kasi sa tingin ninyo ay hindi kayo naapektohan.

“Pero sana kahit saglit ay ilagay ninyo ang sarili sa posisyon nila. Huwag kayong maging manhid sa hirap na nararanasan ng iba.

“Will pray for everyone to be enlightened and to remember the values that make us human…

“Please be kind to one another. Thank you.”

Kung may pumuri, may nairita rin specially so ‘yung mula sa hanay ng Diehard Duterte Supporters (DDS), umaatikabong bashing ang tinanggap ni Jennylyn.

From then on, she keeps on posting about the different issues that our country is confronted with.

Sa point of view ni Arnell, Jennylyn is venturing into politics, a field that she is not that well versed of.

But aren’t they riding on the same boat? Si Arnell ay isang komedyante at TV host na tumawid sa politika, when President Duterte chose him to be one of the President’s supporters.

Anyway, totoong kalakaran sa showbiz ang manahimik pagdating sa politika.

Ngayon ngang panahon ng pandemya, naglabasan ang maraming artista na hindi na itinago ang nararamdaman sa nangyayari sa bansa. Isa rito si Jennylyn Mercado.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *