Monday , December 23 2024

Richard Gutierrez, mananatiling Kapamilya!

KAHIT nagsara na ang ABS-CBN dahil hindi nabigyan ng bagong prangkisa, mananatiling Kapamilya ang aktor na si Richard Gutierrez base na rin sa pahayag niya sa ginanap na virtual mediacon gamit ang Zoom app nitong Lunes ng hapon para sa aksiyon seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Aniya, “I appreciate everything the network is doing. They went through a lot the past couple of months and maraming naapektuhan so, I just want to stand by with the network and with the people of ABS-CBN.

“Ang realization ko sa nangyayari ngayon, I think despite sa lahat ng nangyayari, ABS-CBN nandiyan pa rin. Hindi sumusuko. Kumbaga I think if we look at the positive side of this, which I always like to do, ngayon ang ABS-CBN ay nabigyan ng opportunity to think out of the box, to even grow as a network.

“To grow creatively, to grow business-wise kasi kailangan mag-think tayo out-of-the-box eh kung paano natin malalagpasan lahat ng pagsubok na ito.

“I think now that we’re doing stuff heavily online, I think ABS-CBN will be the pioneers of online content and they’ll be number one online content for sure. So, I think itong bagong tinatahak na path ng ABS-CBN, I think it’s a breakthrough and I think it’s going to be the pioneer of this kind of system.”

Napag-usapan din na ngayong muling isinailalim sa MECQ o modified enhance community quarantine ang Metro Manila ay naniniwala siyang dire-diretso pa rin ang ABS-CBN sa paggawa ng content online at serbisyong pagtulong sa mga nangangailangan.

Tama naman dahil noong nasa ECQ ang MM ay dire-diretso pa rin ang hatid serbisyo.

“There’s different avenues for celebrities to help out. Kami personally ni Sarah (Lahbati), we did our own little way to help the frontliners, kung ano ‘yung maipo-provide namin sa kanila na tulong. We tried to help in our own little way.

“But at the same time, I’m happy nga dahil tuloy-tuloy ang paglabas ng content ng ABS-CBN so they’re coming out with fresh content, hindi lang replays. And I think important din ‘yung entertainment for everyone because ang daming problema, ang daming iniisip. At least somehow, in some way, us being actors, us being entertainers, makalilimutan ng ibang tao ‘yung problema nila kahit sandaling panahon lang ‘pag napapanood nila kami.”

Samantala, nagpapasalamat si Richard dahil napabilang siya sa FPJ’s Ang Probinsyano at bilib siya sa aktor/direktor na si Coco Martin.

“I’m very thankful na napasok ako rito sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. Si Coco nga nag-usap na kami niyan before and sabi nga niya gusto niya akong makatrabaho. Sabi ko ganoon din ako, gusto ko siyang makatrabaho.

“So, sabi niya titingin tayo ng opportunity. Gusto sana kita i-guest sa ‘Ang Probinsyano.’ Sabi ko, ‘Game, any time! Just let me know kung kailan.’ And then finally nga dumating ‘yung offer and then tinanong ko ‘yung role.

“Noong first day namin, doon pa lang in-establish na niya ‘yung magiging parang rapport namin kasi as a director, ramdam ko talaga na pinagaganda niya pa ‘yung mga eksena.

“’Yung mga eksena ko nararamdaman ko na inaalagaan niya. Kumbaga ang daming anggulo, ang daming shots, tapos ayaw niya ng mga eksena na parang puwede na.

“As a director, ramdam ko na alam niya ‘yung hinahanap ng artista, alam niya ‘yung shots so, ang galing niya as a director and ipinaramdam niya sa akin na inaalagaan niya ako.

“Katunayan nga niyan noong first day sa taping, napansin ko parang ako na lang ang kinukunan niya, parang nakalimutan yata niya ‘yung sarili niyang kunan.

“Kasi parang naka-concentrate siya masyado sa mga eksena ko sabi niya sa akin, ‘O, nakalimutan ko kunan ‘yung sarili ko. Ako naman.’ So parang alagang-alaga ako sa set.

“Kumbaga kinausap niya ako in a way na parang pina-relax niya ako na ‘Welcome ka rito sa grupo namin. Ito ‘yung gagawin natin.’ Hindi ko rin makalilimutan ‘yung sinabi sa akin ni Coco na, ‘Rito sa ‘Probinsyano’ teamwork tayo.’

“Kaya nagwo-work ang ‘Probinsyano’ kasi teamwork and story-based talaga lahat. Kumbaga naka-focus sa story at hindi sa isang tao lang or sa isang character lang.’ So na-appreciate ko ‘yun kay Coco na winelkam niya ako ng ganoon.

“Kapag sinabi ni Coco na ganito, alam na agad ng staff or ng mga cameraman kung anong gagawin. So ang bilis niyong shoot namin. Gusto ko ‘yung ganoon eh, ‘yung mabilis, ‘yung wala masyadong hintayan, tuloy-tuloy ‘yung mga eksena para maaga rin kami matapos.”

Gagampanan ni Richard ang karakter na Lito na kababata at dating kasintahan ni Yassi Pressman bilang si Alyana.

Ayon sa aktor ay aagawin niya si Alyana kay Cardo kahit sa anong paraan.

Mapapanood ang serye sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Para makahabol ang lahat, nagsimula noong Lunes (Agosto 3) ay ipinalabas sa unang tatlong linggo ng Kapamilya Online Live ang episodes ng show na umere sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV bago ang bagong episodes na ipapalabas sa ikaapat na linggo.

Tumuloy na sa bagong tahanan ng ABS-CBN shows na Kapamilya Online Live at mag-subscribe na sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel (www.youtube.com/abscbnentertainment) at Facebook page (www.facebook.com/ABSCBNnetwork). Para makakuha ng updates at makita ang schedule ng mga programa, pumunta lang sa kapamilyaonlinelive.com.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *