DAHIL walang magaganap na mediacon para sa programang Love Life with Kris na mapapanood sa TV5 simula sa Agosto 15, 5:00-6:00 p.m. ay nag-request ang producer ng show, ang Positive Exposure Productions sa ilang entertainment press kung ano ang gusto nilang itanong kay Kris Aquino.
Nag-iingat kasi ang producer at kampo ni Kris sa Covid-19 pandemic kaya isinantabi ang presscon.
Anyway, ang ilan sa mga naging katanungan ng media sa nag-iisang Queen of All Media.
- Is your life simpler now? How do you know who to trust and love?
Kris, “You know, simplicity is very relative. So, I may say I feel I’m so simple, tapos, the rest of you, pagtatawanan ni’yo ko?
“Pero the one thing I truly miss ‘yung pandesal sa probinsiya! Sarap talaga! Kasi, freshly baked every day. Tapos, iba siya! Ang sarappp! Tapos, ‘yung simoy ng hangin.
“Tapos, gustong-gusto ko talaga na ano, ‘yung gusto ko talaga tumira near a lake. And ‘yun nga, sabi ko, para naman productive citizen ako, mayroon akong fish pond or something or my dream actually, it’s always been a dream, and it can come true is to own a beach resort!
“Oo, ‘yun! Krissy’s Resort! Ha ha ha! Naloka sila. Bakit? ‘Di ba, kayo rin naman, gugustuhin ni’yo na ako ‘yung nagwe-welcome sa inyo? At once a week, may cooking session doon na ako ang nagtuturo.”
Inamin din ni Kris na gusto niyang maging Presidente ng Pilipinas kahit isang araw lang para bigyan ng consent na magkaroon ng diborsiyo sa bansa.
“I’m sorry, Catholic Church, please don’t get mad at me. For one day, I want to be President on the day na ira-ratify na magkakaroon ng divorce sa Philippines, para pirmahan.
“My reason is simple, because you wouldn’t be annulled in the church. Your church marriage, it’s a different process, but I believe that going through an annulment is a very difficult process, and it’s expensive.
“I believe that women and men should have equal rights about this. I apologize sa mga LGBT, kasi, alam kong malayong-malayo pa ang kailangan nating lakbayin bago magkaroon ng same-sex marriage. Pero ang divorce, sa sagot kong ‘yan, ha, alam niyo na!.
“Pero, ayoko nang pagdaanan ever again o ng kahit na sino man, ‘yung proseso ng pagpapa-annul. Kasi, puwede naman talaga ang divorce. And separation naman talaga ‘yan, eh, of church and state,” paliwanag ni Kris.
Natanong din kung mabibigyan siya ng tsansang makausap ang magulang niyang sina ex-President Cory Aquino at ex-Senator Ninoy Aquino, ano ang sasabihin niya.
Sagot kaagad ni Kris, “To my dad, thank you for believing that the dream could be possible. Kasi, siya talaga ‘yung naniwala that their baby could become who she is.
“And to my mom, I’m doing this for you. Because kung mayroong tao talaga who matters to me, na maging proud sa akin, it’s you!”
- Ano ang pinaka-maipagmamalaki mong nagawa mo sa buhay mo? Ano naman ang isang bagay na ginawa mo o sinabi mo na pinagsisihan mo?
Kris, “Ang pinaka-proud ako is that, hindi ako umasa lang. Puwede kong sabihin talaga na, I sent myself through school. Ang buong college education ko, ako ang nagbayad niyon. Yes!
“Kasi, I wanted to prove to my mom na noong pinayagan niya ako, hindi na niya ako kailangang bigyan ng allowance. At hindi niya ako kailangan na I could be a working student.
“My biggest regret was that I worked on Saturday nights, and I could have actually said no to those days, and join my mom para magsimba kami.
“So, roon ako nagsisisi. Kasi, sana, nabigay ko ‘yun, kahit ‘yun lang, sana, nabigay ko ‘yon sa kanya.
“Sa mga sinabi ko. Impulsive ako, eh. So, ngayon ako natuto na there are things that are better left unsaid. And now, I’m learning.”
Ang daming nag-uudyok kay Kris na pasukin ang politika sa 2022 kaya tinanong siya kung sinong role model niya bilang public servant.
“If there’s one thing that I’ve learned, nanggaling ito sa dad ko. Huwag mong ibunyag ang mga plano mo dahil paghahandaan ka nila!
“So, kung role model, bakit ako lalayo pa? Roon na ako sa mga magulang ko! Pero, I don’t think 2022 is my time.”
Sa ilang taong pagkawala ni Kris sa telebisyon ay naisip ba niyang muli siyang makababalik?
“Yes. Because my ate told me. She envisioned the day that I would be back, and that I could share my story of everything that I went through, so that people would know: Walang imposible! Kaya basta huwag kang susuko!”
Anyway, ang Love Life with Kris ay may digital episodes na mapapanood sa official Facebook page four times a week at ididirehe ito ni Gab Valenciano. Abangan din kung sino ang unang guest nila dahil tiyak na pasabog ito.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan