Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BF ni Alex, namanhikan na; kasalan sa 2021 magaganap

WALANG social distancing at walang suot na face mask/face shield sa ginanap na ‘pamamanhikan’ ng pamilya ng fiancé ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada sa bahay ng dalaga sa Taytay, Rizal.

Pero may disclaimer naman kaagad ang kilalang vlogger at aktres, “nagpapasalamat po ako na nakapunta kayo (Morada family) kahit mayroon tayong crisis although we made sure naman na everyone is safe sa pagpunta n’yo rito.”

Nitong Agosto 1 ipinost ni Alex sa kanyang YouTube channel ang pamamanhikan ng pamilya ng husband-to-be kasabay na rin sa selebrasyon ng ikatlong taong anibersaryo ng kanyang YouTube channel.

Maaga palang ay pinaghandaan na nina Daddy Bono at Mommy Pinty ang pagdating ng kanilang balae kasama ang mga kapatid ni Mikee dahil pinalinis nila ang buong bahay, nagpaluto at nagpalagay ng magagandang bulaklak sa kanilang 20 seater dining table.

Excited si Alex sa pagdating ng magulang ng mapapangasawa na sinasabayan pa ng kanta.

“Our family will meet now, today is the day, tonight is the night that Gonzaga and Morada together again, I love you my love (sabay lapit ng camera kay Mikee), your mama will say hi to my papa and your papa will say hi to my mama,” tumatawang kanta ng dalaga.

Hanggang sa dumating na, sabi ni Alex sa ina, “kinakabahan ako, mommy (Pinty).” Sagot naman ng ina, “relax and be calm.”

Saktong 7:30 p.m. nagsimula ang hapunan at sinabayan ng kuwentuhan at si Toni (Gonzaga-Soriano) ang bumabangka habang kumukuha ng video si Alex.

Maagang natapos ang masaganang hapunan dahil 9:35 p.m. ay umuwi na ang pamilya Morada dahil nga malayo pa ang biyahe nila.

Anyway, bago pinauwi ni Alex si Mikee ay nag-video muna silang magkasama para pasalamatan ang magulang ng binata at sa mga kababayan din ng binata sa Lipa City, “Hi po sa mga taga-Lipa, ako na po ang bago ninyong kababayan.

“Malapit na po kaming magka-isang dibdib at finally, mami-meet na niya ang walwal ng Taytay, pagkapatay ng ilaw, talagang walwalan na ‘to at sa gabing iyon, isa ka sa pinagpala dahil makikita mo na ang Yamahista treasure ng Taytay!” tumatawang sabi ni Alex habang natatawa naman ang mapapangasawa.

Ayon naman sa aming source, sa 2021 na ang kasal pero wala pang petsa at lugar dahil depende sa pandemya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …