Monday , December 23 2024

PH ibinabaon sa utang at kahirapan ni Duterte (Bawat Pinoy may utang na P83K) — KMP

IDINADAHILAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya kontra coronavirus disease (COVID-19) para ibaon sa utang at kahirapan ang sambayanang Filipino.

Inihayag ito kahapon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa kanilang kalatas.

“Kailangan daw mangutang para sa ‘new normal’ at muling pagbubukas ng ekonomiya pero ang limpak na mga bagong utang ay para sa mga proyektong impraestruktura na ipinapakete bilang COVID-19 response. Wala raw pondo para sa mass testing at Social Amelioration Program pero nangungutang para sa Build, Build, Build,” ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairperson Danilo Ramos sa isang kalatas.

Aniya, ang bawat isa sa mahigit 108 milyong Filipino ay may utang na P83,238.35 na hindi nahahawakan o napapakinabangan dahil pusupusan ang pangungutang ng administrasyong Duterte na umabot na sa P9.054 trilyon.

Aniya, si Duterte na ang “heaviest debtor” sa kasaysayan ng Filipinas – sa average na P63 bilyon utang kada buwan kompara kay Gloria Macapagal-Arroyo na P21 bilyon at Benigno Aquino III sa P19 bilyon.

Naniniwala si Ramos na karamihan sa mga inutang ng administrasyong Duterte ay mapupunta sa korupsiyon, ang operasyon ng gobyerno ay tinutustusan ng utang at ang ginagasta ay mas malaki sa kakayahan na magbayad.

Hindi na aniya nakapagtataka na desperado ang administrasyong Duterte na magpataw ng bago at dagdag na buwis sa mga mamamayan gaya ng panukalang dagdag buwis sa digital platforms at e-commerce.

Kaugnay nito, isasapubliko ng Malacañang sa Lunes ang datos kung magkano ang natanggap ng gobyerno at paano ginasta para sa kampanya laban sa COVID-19. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *