Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bantay Bata 163, kailangan ng kaagapay

KASAMA ang Children’s Village of Bantay Bata 163 sa naisip namin noong isinara ang ABS-CBN bukod sa 11k plus na mga empleado dahil paano na ang mga batang ito, paano na ang kanilang kinabukasan.

Mabuti na lang kahit nagsara ang Kapamilya Network ay patuloy pa rin silang sine-serbisyohan ng ABS-CBN sa pangunguna ng program director na si Ms Jing Castaneda-Velasco kahit limitado ang pagkukunan ng budget.

Laging nanawagan si Mis Jing sa mga gustong magpahatid ng tulong kasabay na rin ng pakiusap niya sa entertainment media at bloggers na mailathala ito pati ang mga gustong makipag-partnership sa kanila.

Nitong Martes ay nag-post si Ms Jing na nag-donate ng gadget si Ang Probinsyano Partylist Representative Ronnie Ong para sa mga batang nangangailangan para sa gagamitin nila sa online class.

Ang caption ni Ms Jing habang hawak ng mga bata ang gadget, “Thank you to Ang Probinsyano partylist Rep. Ronnie Ong for donating electronic tablets to the Children’s Village of Bantay Bata 163. The children badly need these for their studies. Looking forward to working with you for the welfare and protection of children.”

Ang gaan sa pakiramdam nang mabasa namin ang post na ito ni Ms Jing dahil marami pa rin nagpapahatid ng tulong sa Children’s Village Bantay Bata 163 na nasa Norzagaray, Bulacan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …