NASA bansa na ang karagdagang 167 Filipino seafarers mula sa Germany.
Dumating mula Hamburg International Airport lulan ng charteted Condor airlines flight ang nasabing seafarers na mula sa iba’t ibang maritime companies.
Ang pinakamalaking bilang ng crew members na may 70 manggagawa ay mula sa kompanyang Marlowe Shipping Management Company na nakabase sa Germany.
Isinagawa ang repatriation sa pakikipag-ugnayan ni Philippine Ambassador to Germany Ma. Theresa Dizon- De Vega at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Welfare Officer Sylvia Gabriel, gayondin kay Consular staff Renante Estrella at Vieto Pilapil.
Ang lahat ng benepisyo na ipinagkakaloob sa displaced overseas Filipino workers (OFWs) ay ibibigay sa mga seafarer.
Malaki ang paniwala ni De Vega na agad din makahahanap ng trabaho ang mga crew members sa international maritime sector. (JAJA GARCIA)