Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

25K telco workers mawawalan ng trabaho sa disyembre

AABOT sa 25,000 manggagawa ng dalawang malaking telecommunications company ang nanganganib mawalan ng trabaho sa Disyembre kapag itinuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte na kompiskahin ang Globe at Smart/PLDT.

Sinabi ni Infrawatch PH Convenor at dating Kabataan party-list Rep. Terry Ridon, delikado ang 25,000 obrero, empeyado at IT experts and technicians ng telcos, sa Globe ay 7,700 at sa Smart/PLDT ay 18,784 kapag inilarga ni Pangulong Duterte ang bantang “expropriation” sa kanila sa Disyembre bunsod ng umano’y masamang serbisyo.

Ani Ridon, may P553 bilyon ang halaga ng dalawang telcos, katumbas ng 13% ng pambansang budget at 3.2% ng gross domestic product (GDP).

Giit niya, mas mainam kung ang pera ng bayan na gagamitin ng Pangulo para sa expropriation sa telcos ay gastusin sa kampanya kontra COVID-19.

Kamakailan ay may 11,000 manggagawa ng ABS-CBN ang nawalan ng trabaho dahil ibinasura ng House Committee on Franchises ang hirit na renewal ng prankisa nito.

Tinuligsa ni Ridon ang pahayag ng Pangulo sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) na naging biktima siya ng mga Lopez ng ABS-CBN noong 2016 elections.

Ani Ridon, ang tunay na biktima ay 11,000 obrero ng ABS-CBN at hindi ang Pangulo dahil sila ang nawalan ng hanapbuhay sa pagpapasara rito ng gobyerno.

Sa SONA kamakalawa ay nagbanta si Pangulong Duterte na ipasasara ang lahat ng telecommunications company at kokompiskahin ng gobyerno kapag hindi inayos ang kanilang serbisyo hanggang Disyembre.

“Kindly improve the services before December. I want to call Jesus Christ in Bethlehem, better have that line cleared…If you are not ready to improve, I might just as well close all of you and we revert back to the line telephone at kukunin ko ‘yan,” anang Pangulo.

“Kung ganon din naman ang ibigay n’yo sa amin, we are a republic sovereign country, bear that in mind because patience of the Filipino people is reaching its limit and I will be the one to articulate the anger of the Filipino people,” dagdag niya.

Kung wala aniyang pera ang mga may-ari ng telcos para ayusin ang kanilang serbisyo ay mas mabuting i-takeover ng gobyerno ang operasyon nito at may dalawang taon pa ang kanyang administrasyon upang pagandahin ang telecommunications sa bansa.

Ang Globe Telecom ay pagmamay-ari ng Ayala Corp., ang Smart/ PLDT ay sa negosyanteng si Manuel V. Pangilinan, habang ang third telco player na DITO Telecommunity ay kay Duterte crony Dennis Uy.

Hinamon ni Ridon ang Pangulo na utusan ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan maging ang lokal na pamahalaan na madaliin ang pag-aproba sa 25 regulatory permits para sa pagtatayo ng single cell tower.

Ang mga naturang permit aniya ang nagsisilbing hadlang sa pagsasaayos ng telco services sa bansa.

“Each and every regulatory permit requires dealing with a separate set of government officials, with different ways of interpreting law and regulation. Worse, some are more interested in ‘illicit transactions’ for these permits. The President’s Christmas deadline is unrealistic and would open the floodgates of further illicit transactions,” giit ni Ridon. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …