Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Show ni Kris sa TV5, tuloy na tuloy na; teaser, mapapanod this week

HAYAN, kasalukuyang nagso-shoot ng pang-teaser para sa programa niyang Love Life with Kris Aquino sa TV5 si Kris Aquino habang Isinusulat namin ito kahapon.
Nakuha namin ang tsikang tuloy na ang show ni Kris sa aming patnugot dito sa Hataw na si ateng Maricris Valdez-Nicasio kaya kaagad naming tinawagan ang handler ni Kris na si Tin Calawod ng Cornerstone Entertainment.
“Nandito po kami ngayon sa TV5 ate REggee, nagso-shoot ng promo para sa teaser na Ipakikita this week,” sabi ni Tin sa kabilang linya.
Humingi kami ng detalye o releases tungkol sa promo shoot pero hindi na kami sinagot pa at wala ring ipinadadala pa.
Tiyak na matutuwa ang loyal supporters at netizens na nag-aabang kay Kris na tuloy na tuloy na ang pagbabalik niya sa telebisyon thru TV5.
Ilang inggo na ang nakararaan ay nabalitang hindi na ito tuloy dahil may problema sa ang producer at TV5 management kaya naman sobrang nalungkot si Kris at nag-deactivate ng kanyang social media.
Pagkaraan ng mahigit isang linggo ay activated na ulit ang social media ni Kris at saka niya ipinaliwanag ang nangyari base sa ipinost niya noong Hulyo 13.
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay tsinek namin ang IG account ni Kris pero wala siyang update sa ginanap na promo shoot ng Love Life with Kris.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …