Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lalaki sinunog ng asawa patay (Suspek timbog sa follow-up ops)

ARESTADO ang isang misis sa hot pursuit operation makaraang pagplanohang patayin sa pamamagitan ng pagsunog sa asawa noong Linggo ng madaling araw, 26 Hulyo, sa bayan ng Sta. Rita, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni P/Capt. James Renemer Pornia, hepe ng Sta. Rita police, ang suspek na si Gisel Batas, 24 anyos, negosyante, residente sa Zone 3, Barangay San Isidro, sa naturang bayan.

Ayon sa ulat mula sa pulisya, walang awang sinunog ng suspek ang kaniyang asawang kinilalang si Vidal Batas, 25 anyos.

Binuhusan umano ng gasolina saka sinilaban ng suspek ang nahihimbing na biktima dakong 3:00 am.

Sa pahayag ni P/SSgt. Carlo Rey Reyes, may hawak ng kaso, ini-report ni Jojo Batas, dakong 5:00 am kamakalawa ang insidente na agad nirespondehan ng mga awtoridad na nag-ugat umano sa mainitang pagtatalo.

Mabilis na naitakbo ang biktima sa Jose B. Lingad Hospital ngunit idineklarang wala nang buhay dakong 1:00 pm noong Linggo.

Ikinasa ng mga awtoridad ang hot pursuit dakong 1:00 am kahapon, 27 Hulyo, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa bahay ng kaniyang mga magulang sa Zone 5, Barangay San Basilio, sa parehong bayan.

Kasalukuyang inihahanda ang kasong murder at parricide laban sa suspek na nasa kustodiya ng Sta. Rita Custodial Facility. (RAUL SUSCANO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …