DALAWANG taon bago bumaba sa puwesto at naitalang libo-libong drug-related killings bunsod ng inilunsad niyang drug war, muling nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na kagyat na isabatas ang death penalty.
“I reiterate the swift passage of a law reviving the death penalty by lethal injection for crimes specified under the Dangerous [Drugs] Act of 2002,” aniya sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) kahapon.
Mabilis na umalma si Free Legal Assistance Group (FLAG) chairman Atty. Chel Diokno sa pahayag ni Pangulong Duterte sa death penalty.
“Ang problema, hindi patas and batas sa atin. ‘Yung maliit na tao, kulong agad, tapos basta big-time at may kapit, siguradong lusot. Anong ikabubutu ng death penalty sa ganitong Sistema?” aniya.
Matatandaan, 2016 presidential elections campaign pa lamang ay isnulong na ni Pangulong Duterte ang parusang kamatayan para sa mga drug-related cases ngunit hindi umubra sa Kongreso. (ROSE NOVENARIO)