NAGING instrumento ang inaasam na bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) para mangutang si Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
“About four days ago, I made a plea to President Xi Jinping that if they have the vaccine, can they allow us to be one of the first or if it’s needed, if we have to buy it, that we will be granted credit so that we can normalize as fast as possible,” anang Pangulo.
Hindi inilahad ng Pangulo kung ano ang tugon ni Xi sa kanyang apela.
Hanggang noong 2 Hulyo 2020, sinabi ng Department of Finance (DOF) na nagkautang ang Filipinas ng halos $7.73 bilyon o P385.3 bilyon mula sa iba’t ibang lending institutions sa buong mundo upang tustusan ang kampanya kontra COVID-19.
Ang naturang mga utang ay babayaran mula taong 2023–2049, at may average repayment period na 15 taon sa bawat loan, batay sa amortization schedules na nakalagay sa loan agreement documents. (ROSE NOVENARIO)