Saturday , November 23 2024

Kim Chiu, nanalangin kay Padre Pio

DAHIL sa gulong nangyayari sa mundo dala ng patuloy na pagdami ng Covid-19 cases bukod pa sa pagpapasara sa ABS-CBN ng gobyerno na nadagdagan ang maraming walang trabaho, nanalangin si Kim Chiu kay Saint Pio of Pietrelcina o Padre Pio.

Base sa post na larawan ni Kim habang nakayuko at nakapikit na nananalangin kay Padre Pio hawak ang kandila, may caption iyon na, “Since the start of this year so many things happened, 2020 made our faith grow much stronger than ever.

“We don’t know what tomorrow will bring us. What we will be facing in the next few months, we are just crossing half of 2020.
“Everyday I wake up there is always fear inside me, fear of covid19, fear of my 2nd home being shut down by the government, fear for my co workers who have lost their job not because of the pandemic but because of unjust treatment, fear for my families health, fear for what will happen to us in the coming months with covid19 case, still going up estimated 85k by the end of July.

“Fear for so many people that are starving right now. There is so much going on. But I know, HE can hear us, HE can see us, HE will provide for us. We must not give up our faith in HIM. It is hard, this is a test of faith.
.
“May You protect us Lord Jesus, May you remind us that it was you who sent us. You will see us through. We lift everything in your mighty name. Amen. #faith #trust #inJesusnameWepray.”

Hindi maganda ang taong 2020 dahil unang buwan palang ay kaliwa’t kanan na ang mga masasamang balitang nangyari sa buong mundo.

At nitong Mayo inisyuhan ng cease at desist order ng National Telecommunication Commission o NTC ang ABS-CBN dahil paso na ang prangkisa nito at bawal ng mag-operate ang FREE TV nila.

Ngayong buwan, Hulyo 10 naman tuluyang isinara ang ABS-CBN dahil hindi bigo itong makakuha ng bagong prangkisa.

Kaya sa mga nangyaring ito ay hindi naiwasang maraming empleado ng Kapamilya Network ang sobrang sama ng loob dahil nawalan sila ng trabaho at dahil sa galit sa mga pangyayari ay inatake sa puso at kasalukuyang pinaglalamayan ngayon ang Executive Producer ng  programang Pamilya Ko na si Mavic Holgado-Oducayen.

Mula sa pahayagang Hataw, ang aming pakikiramay sa pamilya ni Ms Mavic.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *