NAGING emosyal at hindi napigilan ni National Bilibid Prison Hospital Director Dr. Henry Fabro nang humarap sa media sa press conference sa Directors Headquarters sa NBP, Muntinlupa City, kahapon ng hapon.
Ayon kay Dr. Fabro, dapat din kilalanin ang pagtataya ng buhay ng mga nurse at mga doktor ng NBP at maging ang mga personnel upang mailigtas ang buhay ng convicts.
Idinagdag ni Dr. Fabro, mas marami ang mga nakarekober sa COVID-19 sa NBP kompara sa mga namatay at ‘yun umano ang dapat tingnan ng publiko imbes bilangin ang mga nasawi.
Sinabi niyang marami sa kanilang mga doktor, nurses at mga personnel ang nagpositibo rin sa COVID-19 dahil sa pagsusumikap nilang magamot ang mga tinamaang convicts.
Ipinakita ng BuCor sa media members na dumalo sa press conference ang retrato ng bangkay ni Jaybee Sebastian at ng isa pang Chinese high profile convicts para patunayan na walang foul play na nangyari.
Aniya, nakahandang depensahan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga alegasyon sa isinasagawang imbestigasyon ng National Buraeu Investigaton (NBI) at ang isasagawang imbestigasyon ng Senado. (JAJA GARCIA)