“ACTIVISM is not terrorism, and terrorism is not activism.”
Ginarantiyahan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang publiko na hindi gagamitin ang Anti-Terror Law para patahimikin ang mga kritiko ng administrasyong Duterte.
“In pursuit of this policy, the government cannot prejudice respect for human rights which shall be absolute and protected at all times. It is therefore very clear that activism is not terrorism and terrorism is not activism,” aniya sa pre-SONA briefing kahapon.
Giit niya, may sapat na safeguards ang Anti-Terror Law para pangalagaan ang karapatan ng mga mamamayan at magbibigay daan sa pag-iral ng “culture of security” sa Filipinas.
“The Anti-Terrorism Act will usher in a culture of security through orderly and legal implementation of laws and procedures… Kaya ‘wag matakot sa anti-terror law, ito ay para sa atin,” sabi ni Esperon.
Nauna rito, inihalintulad ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa lagim ng warrantless arrests at detention sa batas militar na ipinairal ng diktadurang Marcos noong 1972 na pumatay sa demokasya sa loob ng 14 na taon ang Anti-Terror Law ng administrasyong Duterte.
Batay sa CBCP pastoral letter, ginawang legal ng Anti-Terror Law ang warrantless arrest tulad noong 1972 sa ilalim ng “ASSOs” (arrest, search and seizure orders) na ipinatupad ng rehimeng Marcos.
“We are still in disbelief about the manner in which the contentious Anti-Terror Bill was fast-tracked and approved in both Houses of Congress while the whole country’s attention was focused on the COVID-19 pandemic,” sabi sa pastoral letter.
Binalewala anila ang malakas na pagtutol sa kontrobersiyal na batas at tila naging mas matimbang sa mga mambabatas ang “political pressure from above” kaysa tinig ng mga ordinaryong mamamayan.
Anang CBCP, kahit parang maayos pa naman ang lagay ng demokrasya at ang mga institusyon ng demokrasya ay patuloy pa namang gumagana, “para na tayong palaka na lumalangoy sa isang palayok na tubig na unti-unting pinakukuluan.” (ROSE NOVENARIO)