ILANG araw na ring pinagpipiyestahan sa social media at pahayagan ang isyung utang tungkol kay Sheryl Cruz at sa kaibigan nitong nangangalang Alex na isa na ngayong OFW. Sa ibang bansa nagkakilala ang dalawa noong kasagsagan ng kampanya ng aktres na kumandidatong konsehala sa District 2 ng Tondo, Manila at hindi naman nanalo.
Base sa kuwento ni Alex kay Raffy Tulfo sa Raffy Tulfo in Action sa YouTube channel nito, pinahiram niya si Sheryl ng halagang P100,000 dahil walang panggastos sa kampanya dahil ang dating tumutustos ay tumigil na.
Nabanggit na ilang beses tinatawagan ni Alex si Sheryl noong nandito pa siya sa Pilipinas para singilin pero hindi na sumasagot ang aktres at pumunta pa siya sa taping nito sa GMA 7 pero hindi naman siya kinausap.
Klinaro ni Alex na alam ni Sheryl na utang iyon dahil base naman sa takbo ng usapan nila ay alam ng aktres na hiram iyon dahil nga inabonohan lang.
Nabanggit ni Idol Raffy na hiningan nila ng reaksiyon si Sheryl tungkol dito pero abogado na lang nito ang sasagot.
At nitong Martes ng gabi ay naglabas na ng official statement si Sheryl tungkol sa sinasabing umano’y utang niya kay Alex.
“I have not borrowed any amount from ‘Alex.’ Should she be able to prove clearly and unequivocally that she did incur deficit during my campaign, I would gladly pay the same. I pay my dues.
“The money she may have caused to be paid for the dance projects and the salaries of the staff are from the campaign funds and not from her own pocket. She was one of my campaign handlers and she held the funds.
“It saddens me that a radio program becomes a pseudo court that acts like a lawyer, a judge, and jury all at the same time without even knowing the other side.
“An anonymous number called me when the program was already being aired and was expecting me to explain. I was taken by surprise.
“I chose to remain silent because I don’t want to go on that level. I prefer to explain myself before the court if need me because my conscience is clear and truth and fairness will protect me.”
Samantala, binalaan din ni Sheryl ang lahat ng nang-bash at nagsusulat ng hindi maganda sa kanya dahil puwede niya itong gamitin bilang ebidensiya for cyber bullying kapag nagsampa siya ng akso.
“To those who have been sending me hate messages and cursing me without even knowing my side of the story, all your messages may be used as evidence of cyber bullying and online harassment. I should not be faulted for something I am not liable for.”
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan