DALAWANG taon matapos tawagin ang Diyos na “stupid” at paulit-ulit na alipustain ang ilang taong Simbahan mula nang maluklok sa Palasyo, nag-iba ang tono ni Pangulong Rodrigo Duterte at nanawagan kahapon na ipagpasa-Diyos na lamang ng mga Pinoy ang kapalaran sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
“Marunong ang Diyos. Hindi tayo pababayaan, lalo na Filipino tayo, Kristiyano tayo,” ayon kay Duterte sa public address kahapon.
Ang paghimok sa publiko ay kasunod ng patuloy na paglobo ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 matapos ang apat na buwan pag-iral ng quarantine protocols sa Filipinas.
“Magsakripisyo tayo, tutal ang idol natin, hinampas-hampas, pinako pa sa krus. Tayo, simba-simba lang. Dedicate your sacrifices to the Lord, dedicate the suffering for the country,” giit ng Pangulo. (ROSE NOVENARIO)