Monday , December 23 2024

Roque sinopla si Panelo (Sa separation of Church and State)

KONTRAPELO ang dalawang mataas na opisyal ng Palasyo sa interpretasyon sa doktrina ng separation of Church and State na garantisado sa Saligang Batas.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dalawang bagay ang separation of Church and State, una ay non-establishment o hindi magbibigay ng pabor ang estado sa kahit anong pananampalataya, at pangalawa ay free exercise na freedom of belief o kalayaan sa pananampalataya.

“Sa tingin ko po, dahil 15 taon naman akong nagturo ng Constitutional Law sa UP Law, ang separation po ay dalawang bagay: iyong non-establishment, ibig sabihin, hindi magbibigay ng pabor ang estado sa kahit anong pananampalataya at saka iyong free exercise which is the freedom to belief. So, iyon lang po iyong dalawang bagay na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas doon sa separation of church and state – non-establishment and the freedom to belief,” sabi ni Roque.

Ang pahayag ni Roque ay tugon sa sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na labag sa separation of the Church and State ang pastoral letter ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na binatikos ang Anti-Terror Law.

Para kay Panelo, ang adbokasiya ng CBCP maging ang panawagan sa mga Katoliko upang manalangin ay malinaw na paggiit ng “religious influence or pressure” sa Korte Suprema para magpasya laban sa isang batas na idinesenyo upang labanan ang pandaigdigang krimen ng terorismo at upang tiyakin ang kaligtasan ng sambayanang Filipino.

Batay sa CBCP pastoral letter, kahalintulad ng lagim ng warrantless arrests at detention sa batas militar na ipinairal ng diktadurang Marcos noong 1972 na pumatay sa demokasya sa loob ng 14 taon, ang Anti-Terror Law ng administrasyong Duterte.

Iginiit kahapon ni CBCP acting president at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, ang tanging impluwensiya ng Simbahang Katolika ay sa konsensiya dahil tungkulin nila ang humulma ng konsensiya at pananagutan nila ito sa Diyos.

“As fellow citizens of this country, we are merely participating in the exercise of the freedom of expression of the citizenry, which we hope is still respected by our government authorities in the context of a functioning democracy,” ani David.

Umaasa at nananalangin ang CBCP na ang lehislatura at hudikatura ay mananatiling tunay na malaya at magpapatuloy na gampanan ang tungkulin alinsunod sa Konstitusyon. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *