IPINAGMAMALAKI ni Dimples Romana sa buong mundo na inimbitahan siya para maging isa sa ng hurado ng 2020 International Emmy Awards.
Ang prestigious awards na ito ay ibinibigay taon-taon ng International Academy of Television Arts and Sciences (IATAS) upang bigyang-parangal ang mga TV show na ipinalabas sa labas ng Amerika.
Ginaganap ang International Emmy Awards Gala tuwing November na abot sa mahigit 1,000 television professionals ang dumadalo.
Ipinost ni Dimples sa kanyang IG account ang screenshot ng virtual meeting nila nitong Lunes ng mga kapwa juror’s para sa kanilang deliberation.
Ang caption ng aktres, “Today was a magical day I was invited by the International Academy of Television Arts and Sciences to be a juror for the iEMMYs.
“The International Emmy Award is given to recognize the best television programs initially produced and aired outside the United States.
“And to be alongside these amazing industry partners is quite humbling. PILIPINAS and Kapamilya Represent @iemmys #iemmys a big THANK YOU shout out also to Sir Michael McKay, Nathaniel Brendel, Louisa Lim and ActiveTV Asia (Singapore).”
Isa si Dimples sa pinagpalang artista ng ABS-CBN na masasabing hindi gaanong apektado sa pagsasara ng network dahil base sa mga post niya ay nakabili siya ng farm at bagong condominium unit bukod pa sa nabilhan niya ng sariling bahay ang magulang at kapatid.
Kaya naman isa rin ang aktres sa nakikipaglaban sa ginawang pagsasara sa ABS-CBN dahil dito niya kinita ang lahat ng ipinambili ng mga naipundar niya at bukod pa sa lumaki nang husto ang pangalan niya.
Kabilang din si Dimples nila Angel Locsin, Bea Alonzo, Anne Curtis at iba pang nasa likod ng Shop and Share na lumilikom ng pambili ng mga pangangailangan ng frontliners at health workers.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan