Tuesday , December 24 2024

Angel, sa sobrang sama ng loob—Tayong mga taga-industriya pa rin ang iniwan sa ere 

SA IG post ni Angel Locsin nitong Lunes ng gabi ay ramdam mo sa bawat bitaw niya ng salita ang sama ng loob sa 70 kongresistang bumoto para hindi bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

 

Tila nabahiran ito ng personal vendetta.

 

Naiyak na lang ang aktres kasama ang mga empleado at artista ng Kapamilya Network nang ibaba ang hatol noong Biyernes, Hulyo 10 na sarado na ang ABS-CBN.

 

Nag-post si Angel ng comics strip ng isang cameraman na nawalan ng trabaho dahil sarado na ang TV network na pinagsisilbihan niya at isinauli na ang kanyang company ID. Umuwing bagsak ang balikat at sinalubong ng dalawang anak at niyakap at sabay sabing, ‘kakayanin natin ‘to mga anak.’

 

Hindi lang ang 11k plus empleado ng ABS-CBN ang apektado kundi maging ang mga taong natutulungan ng network sa mga liblib na lugar ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

 

Ilang araw muna ang pinalipas ni Angel bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ang nilalaman ng kanyang dibdib kung bakit ipinasara ang ABS-CBN sa panahon na maraming nawalan ng trabaho bukod pa sa mga OFW na umuwi dahil nagsara ang mga kompanya nila dahil sa pandemya.

 

“It took a while before I was able to compose myself and feel how I actually felt about the situation. Alam ko I am sad, alam ko I am angry. Pero may pakiramdam ako ng panghihinayang na hindi ko naiintindihan kung saan nanggagaling nung simula.

 

“Ngayon po na-realize ko kung saan nanggagaling ang lahat ng emosyon na ito.

“Ito na sana ang chance para maayos ng ating gobyerno ang entertainment industry.

“I was genuinely hoping that we could turn this into an opportunity to fix the industry’s issues. Hindi lang po sa ABS-CBN, kundi ang kabuohan. Though, to be honest, malaki na po ang improvement kumpara nung nagsisimula palang po ako.

 

“Katulad ng working hours, contracts, etc. Pero aminado po ako na marami pa rin pong bagay sa entertainment industry ang kailangan pang ayusin, gaya ng ibang nirereklamo ng ibang laborers.

“But those 70 congressmen chose to shutdown the network instead of standing up for the people and fix those problems.

“What’s the purpose of those testimonies from laborers fighting for their rights kung dito lang magtatapos? Hindi rin naman sila natulungan. Pinagsalita lang pero iniwan lang rin sa ere. In the end, we, in the entertainment industry, especially the day to day earners, kagaya ng crew, were still denied of the opportunity to work in better labor conditions.

“Kumbaga sa health, may sakit po ang entertainment industry. At nalagay ang ating mga kongresista sa sitwasyon na gabayan at ayusin sana. But sadly, the congress chose a rigid path, pulled the plug and ignored the plea of the entertainment people. They chose the easy way out instead of curing the disease.

“Bakit dinamay ang karamihan sa personal vendetta ng iilan? Totoong serbisyo para sa tao ba ang ginagawa o gumaganti lang dahil na-expose ang ilang pagkakamali nila?

“Kaya ako lumalaban, kahit mahirap at tagilid, kailangan ng mga kasama ko ang karamay ngayon, higit kailan man. Naniniwala akong hindi mawawalan ng saysay ang lahat dahil tatatak ito sa kasaysayan and we, the Filipino people will never forget .”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *