Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teri Onor, Super Tekla, Phillip Lazaro, at Ate Gay, humingi ng dasal para sa mabilis na paggaling ni Kim Idol

ISINUGOD si Kim Idol sa Manila Central University Hospital Caloocan City nitong madaling araw ng Huwebes dahil natagpuan siyang walang malay sa kanyang kuwarto sa Philippine Arena pagkatapos mag-perform.

 

Dahil sarado noong ECQ ang Zirkoh na regular siya bilang stand-up comedian ay naghanap siya ng ibang mapagkakakitaan dahil bread winner siya ng pamilya.

 

May kaibigan siyang isinama siya bilang encoder ng health declaration sa Bureau of Quarantine hanggang sa nailipat siya sa hotel sa Makati City bilang marshall para sa repatriate na OFW.

 

Inilipat siya sa Philippine Arena bilang marshall nitong Hunyo na roon dinadala ang mga nag-positibo sa Covid-19 para i-quarantine.

 

Base sa mga post na retrato ni Kim Idol, balot talaga siya ng PPE (personal protective equipment) at laging humihingi ng panalangin para sa kaligtasan niya kasama ang ibang kasamahan sa Philippine Arena.

 

Sabi ng mama ni Kim na si Gng. Maria Argente, may brain arteriovenous malformation (AVM) ang anak at dati na niya itong ininda.

 

Humihingi ng panalangin ang lahat ng kapwa stand up comedian/comedienne ni Kim para sa agarang paggaling.

 

Ang kaibigang si Super Tekla ay may kakaibang naramdaman na kay Kim dahil sa mga ipino-post nito.

 

Ayon sa post ni Tekla, “Ayan, di ka nagsasabi ng nararamdaman mo tinawagan kita dahil nararamdam ko yung post mo may something.

 

“Sabi mo, ok ka lang. Sabi ko kahit, puntahan kita Kim Idol. Teh kaya pa ‘yan. Wag na ‘wag kang bibitaw. Lumaban ka, kaya mo ‘yan.

 

“Ipagdasal po natin ang aming kaibigan, critical ang lagay ni Kim Idol. DIYOS KO ILIGTAS N’YO SI KIM IDOL SA SITWASYON N’YA NGAYON.”

 

Post din ni Teri Onor“Please pray for our friend Kim Idol. Naka-life support po siya ngayon sa hospital.”

 

Si Philip Lazaro: “Let us all pray for KIM IDOL. Naputukan ng ugat sa ulo. In life support now. KUYA JESS, MAMA MARY PLS.”

 

At si Ate Gay sa kaibigan, “Kim Idol, bakla ka! May Iceland pa tayo sa September kaya gumising ka na.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …