Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong ‘love life’ ni Kris, ibubunyag sa Sabado

DALAWANG linggo na lang at muling mapapanood na sa national television ang pagbabalik ng nag-iisang Queen of Social Media na si Kris Aquino sa bago nitong programang Love Life with Kris sa TV5.

Nang ianunsiyo ni Kris na exicted siya dahil pipirma siya ng kontrata kasama ang manager niyang si Erickson Raymundo, Presidente at CEO ng Cornerstone at Jeff Vadillo, Bise Presidente ay natuwa ang netizens dahil finally muli nilang mapapanood ang kanilang idolo pagkalipas ng ilang taon.

Pagkalipas nang ilang araw ay may nag-post ng titulo ng programa ni Kris at kung saang TV network siya mapapanood pero hindi naman ito kinompirma ng mga taong nakapaligid sa kanya dahil naka-non disclosure agreement o NDA silang lahat.

May mga nagsabi pang hindi naman matutuloy ang pagbabalik pero nitong Sabado ay nag-post si Kris sa kanyang Instagram account ng, “Can I be your #SATURDATE? please save the date? #SOON” at may nakalagay na, ‘Love life with Kris’

Napansin kaagad namin ang limang pulang puso na ibig sabihin ay kinompirma niyang TV5 siya mapapanood pati na ang titulo.

Nitong Linggo ng tanghali ay muli niyang ipinost, “we lift each other up, when we share the love, here’s nothing better than giving yourself a new beginning we’ll be alright, we LOVE LIFE!”

Kaya sa darating na Hulyo 25, Sabado sa ganap na 5:00 p.m ang pilot episode ng Love life with Kris sa TV5.

Kamakailan ay nag-pictorial na siya at iisa ang napansin ng lahat, blooming si Kris at halatang excited siya sa muli niyang pagbabalik sa kanyang first love.

Post niya kamakailan, “Read this quote: ‘It’s OKAY to START OVER, It’s OKAY to REBUILD and It’s OKAY to be a LITTLE SCARED.

“Shoots begin tomorrow, just to slowly get me back into the groove, so to calm my nerves & entertain me (because may mga guapo/cutie pie na crush ko, and stylish women w/ perfect posture & beautiful skin to inspire me in compelling roles & exciting stories) natapos ko ang 60 Days Designated Survivor and Money Flower. Both were SUPERB!”

Samantala, sa pilot episode ni Kris niya ikukuwento ang lahat kung paano ang nangyaring negosasyon sa pagbabalik niya sa telebisyon, kung may agam-agam siya at ano ang convincing power ng producer para mapa-oo siya at higit sa lahat, may inputs kaya siya sa format ng programa niya at pagkakaiba nito sa mga naging programa niya sa ABS-CBN.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …