Wednesday , May 14 2025

Cimatu natuliro sa Cebu  

MISTULANG sinisi ni Environment Secretary Roy Cimatu ang pagbabalik sa Cebu City ng overseas Filipino workers (OFWs) at locally stranded individuals (LSIs) sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease sa siyudad na itinuturing ngayong epicenter ng pandemya sa Filipinas.

Isinugo ni Pangulong Rodrigo Dutere si Cimatu sa Cebu City upang maging troubleshooter at tutukan ang pagpapatupad ng quarantine protocols sa Cebu City noong nakaraang linggo.

“So iyon nga, naging center kasi dito ng mga pag-transit ng mga OFW, mga nag-land muna so, iyan ang tinatanong nila baka ito naman ang possible na sources na pinagmulan. Kasi through the number of days, since March hanggang dumating ng May ay medyo maganda naman iyong kanilang response sa health ng mga tao rito. But, nag-rise ito noong nagkaroon ng mga movement and transit ng mga OFWs at saka locally stranded individuals,” ani Cimatu sa virtual press briefing sa Palasyo kahapon.

Sinabi ni Cimatu, umabot sa 13 katao ang namatay sa COVID-19 sa Cebu City sa loob lamang ng isang araw kaya inirekomenda niya sa Inter-Agency Task Force for the Emerging Infectious Diseases na panatilihin ang pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa siyudad.

Isa rin sa tinukoy ni Cimatu sa paglobo ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ang pagmamantina ng eskuwelahan bilang isolation facilities na nasa gitna ng komunidad.

“Naghanap ako ng mga ibang structures, facilities na puwedeng paglagyan ng ating isolation cases. Kasi iyong isolation buildings nila rito, karamihan ang mga eskuwelahan ay ito ang ginamit nilang isolation centers. Itong eskuwelahan naman nasa gitna ng barangay ito, so sinu-suspect ko talaga na rito nanggaling iyong mga pagkalat ng sakit sa mga barangays, itong isolation centers dito sa gitna ng barangay mismo,” ani Cimatu.

Batay sa ulat, may isang P1 bilyon umanong inilaan ang Cebu City para labanan ang COVID-19 kaya ilang residente ng lungsod ang naglunsad ng online petition na humihiling kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Mike Dino bilang presidential assistant for the Visayas dahil sa umano’y pag-abuso sa puwesto at sinabing pakikipagsabwatan sa ilang opisyal ng lungsod sa ilang iregularidad sa paggasta ng pondo kontra pandemya.

Tiniyak ni Cimatu, matapos ang krisis ay maaaring busisiin ang inirereklamong iregularidad sa paggugol sa budget ng lungsod kontra COVID-19. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *