Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Chinese arestado sa pananaksak ng kababayan

NAHAHARAP sa reklamong attempted homicide ang isang Chinese national nang saksakin ang human resources manager na kaniyang kababayan, sa Barangay Alabang, Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Liangqi Zou, 28, tubong Liaoning, China, ng Lot 5 Block 2 Crisos­tomo Ibarra Street, Rizal Village, Barangay Ala­bang, Muntinlupa City.

Ginagamot sa Asian Hospital ang biktimang si Yihao Bu, 26, tubong Yunnan, China HR manager ng Intercomp Company kasama sa nabanggit na address ng suspek.

Ayon sa ulat ng Muntinlupa City Police Station, dakong 9:00 pm nang maganap ang pananaksak sa loob ng bahay ng biktima at suspek.

Habang nasa loob ng kaniyang kuwarto ang biktima pinuntahan para kausapin ng suspek pero hindi umano pinansin ang huli kaya nagalit at nauwi sa pagtatalo.

Naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ang biktima sa dibdib na agad sinangga sa kali­wang kamay na tinamaan ng saksak.

Napigilan ng iba pang kasamahan ang pangyayari hanggang isugod sa ospital ang biktima.

Kasama ang suspek sa nagdala sa pagamutan sa biktima pero itinawag sa pulisya ng testigong si Ma. Fe de Ocampo, 40, Chinese translator, ng nasabing bahay, ang pangyayari dahilan sa pag-aresto sa suspek.

Narekober din ang jungle knife na ginamit ng suspek na ginamit sa pananasak sa biktima.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …