Monday , December 23 2024

Spox Roque diskarteng lawyer ni Ping sa Anti-Terror Bill

MISTULANG ‘abogado’ ni Senator Panfilo Lacson si Presidential Spokesman Harry Roque dahil todo-tanggol sa iniakdang Anti-Terror Bill ng una, kahit tila nagkibit-balikat lang si Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersiyal na panukalang batas.

Noong Lunes ng gabi sa public address ng Pangulo ay inihabol ni Roque ang tanong tungkol sa estado ng Anti-Terror Bill at gusto niyang isiwalat ng Pangulo ang umano’y sinabi ng Punong Ehekutibo bago sila nag-record ng ulat sa bayan.

Kung pagbabatayan ang ‘body language’ ng Pangulo, ‘malamig’ ang tugon niya sa pag-usisa ni Roque at inihayag na nirerepaso pa ng kanyang legal team ang Anti-Terror Bill.

“My legal is still reviewing it. My — my legal team sa Malacañan. There’s only — hindi ko pa natanggap. I had it reviewed,” anang Pangulo.

“It’s always — automatic ‘yan. ‘Pag daan sa akin, I endorse it to legal. Without even reading it actually, if you — if you want really to know. It’s legal who will return it to me with a recommendation whether I will approve it or not,” dagdag ng Pangulo.

Kahapon ay iniligwak ni Roque ang ‘sinabi’ ng Pangulo na sang-ayon ang Punong Ehekutibo sa probisyon sa Anti-Terror Bill na puwedeng ikulong ng 14-araw ang isang suspected terrorist kahit walang warrant of arrest at palalawigin pa ng sampung araw upang makapaglabas ng warrant of arrest ang husgado.

“Let’s just say that as a trial fiscal, there’s one issue that he (Duterte) has no problems with, and that is pre-trial detention.He does not feel that the 14-day period is actually a violation of the Constitutional provision that a warrant of arrest can only be issued by a judge because the law does not change that constitutional rule,” ani Roque sa panayam sa ANC.

Gaya ni Lacson, sinalungat din ni Roque si retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa probisyon sa Anti-Terror Bill na pagpapahintulot sa Anti-Terror Council na magbigay ng ‘go signal’ para dakpin ang isang pinaghihinalaang terorista, imbes ang hukuman lamang.

“Well, we beg to disagree because it is still the courts that will designate a person as a terrorist organization. In fact, you have to file a petition with the Court of Appeals not just with the regional trial court. And this is different from the practice of the United States ‘no because in the United States, only the Secretary of State ‘no, without judicial intervention, can list an organization as a terrorist organization,” sabi ni Roque.

“So I think, the proposed law in fact carries over what already is found in the Human Security Act that only a special division of the Court of Appeals can designate terrorist organizations upon notice to the parties concerned. Now, I stand corrected, because under the Human Security Act, the RTCs can do that; under the proposed Anti-Terror Law of Senator Lacson, it’s the Court of Appeals,” dagdag ni Roque.

Noong 15 Hunyo 2020, kahit hindi pa pirmado ni Pangulong Duterte ang Anti-Terror Bill ay nagpasalamat agad si Roque sa mga may-akda ng panukalang batas na sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Lacson saka hiniling sa publiko na hayaang ipatupad ng Punong Ehekutibo ang batas.

“Alam naman po ninyo ang Ehekutibo sa ating Saligang Batas, kami po ang magpapatupad ng batas. Ang polisiya po ay ibinigay ng Kongreso, nagpapasalamat po kami kay Senator Lacson at kay Senate President Tito Sotto at sa ating mga kongresista na nagpasa ng batas na ito, hayaan po ninyong ipatupad ng ating Presidente ang batas na iyan, “ ayon kay Roque sa virtual press briefing.

Nauna rito’y ginawang garantiya ni Roque ang ‘kredibilidad’ nina Sotto at Lacson para kunin ang tiwala ng publiko at suportahan ang Anti-Terror Bill na ayon sa mga kritiko’y mas malupit pa sa Human Security Act.

Para kay Roque, magsisilbing barometro ang maraming beses na panalo nina Sotto at Lacson sa senatorial polls upang ipagkaloob ng mga mamamayan ang tiwala na hindi lalabag sa Saligang Batas ang iniakdang Anti-Terror Law ng dalawang senador.

“At tingnan ninyo na lang iyong mga personalidad sa likod ng batas na ito kung pagkakatiwalaan ninyo sila o hindi. At sa tingin ko naman sa raming beses na nanalo para sa Senado si Sen. Lacson o si Sen. Sotto ‘e karapat-dapat ang tiwala ng taongbayan na hindi sila magsusulong ng isang batas na lalabag sa Saligang Batas,” tila garantiya ni Roque.

Nauna rito, nangako si Lacson na siya mismo ang mangunguna sa rally kapag inabuso ang pagpapatupad sa Anti-Terror Bill kapag ito’y naging ganap na batas.

“The Anti-Terrorism Bill is the wrong tree to bark at. I vow to join those who are concerned, genuinely or otherwise, about the proposed law’s implementation to be as vigilant in monitoring each and every wrongful implementation by our security forces, even to the point of joining them in street protests, just like what I did before during the time of former President Gloria Macapagal-Arroyo,” ani Lacson sa isang kalatas.

(ROSE NOVENARIO)            

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *