WALA pang kasiguraduhan kung muling tatakbo si Ormoc City Mayor Richard Gomez bilang ama ng lungsod para sa ikalawang termino niya dahil patapos na sa ikatlong termino niya bilang Congresswoman ang asawang si Lucy Torres-Gomez.
Sa FB Live tsikahan nina Richard at talent manager/actor/host na si Ogie Diaz ay natanong ang una kung may planong kumandidato sa Senado si Lucy at malabo ang sagot ng dating aktor.
“Napakalawak ng ikino-cover ng senate at saka parang wala sa radar namin na ganoon ang tatahakin,” sabi nito.
Sa madaling salita, si Lucy ang kakandidatong Mayor at si Goma sa Kongreso.
“Depende kasi dapat maganda ang relasyon ng congresswoman o congressman at mayor. Kasi ‘yung mayor siya naman ‘yung nag-i-implement ng batas. ‘Yung congresswoman o congressman sila ‘yung gumagawa ng batas at nagdadala ng malalaking projects sa distrito. Dapat magkakampi kayong dalawa para mabilis ‘yung progress, mabilis ‘yung pagpasok ng infrastructure program sa isang lugar. Ganoon ang nangyayari sa amin dito ni Lucy kasi sila ‘yung nasa national offices,” katwiran ni Mayor Richard.
Samantala, usong-usong na naman ang cyber bullying kahit na marami na ang napatawan ng parusa rito at si Sharon Cuneta-Pangilinan ang latest victim na pinagsalitaan ng hindi maganda ang mga anak.
Inamin ni Richard na mahirap talagang kalaban ang social media
“’Yun ang problema kasi sa social media, anybody can just post anything. Pag-post ng opinyon nila, post ng galit nila, post ng inis nila. Siguro tayong mga artista, we have to accept the fact na mayroong may gusto sa atin, mayroong ayaw, so minsan masakit at napupuno ka na, kahit naman ako sumasagot ako sa mga ganyan.
“Tao rin tayo na nasasaktan, taong may damdamin kahit naman ako madaling mapikon so, ang ginagawa ko kung kaya ko silang i-delete, idini-delete ko sila, kung kaya silang i-block, bina-blocked ko sila,” sambit niya.
Ano ang maipapayo niya kay Sharon na magsasampa ng kaso sa DOJ
“That is her right kung ano ang gusto niyang ikaso. Pero parang nakita kong humingi na yata siya (Ronald Carballo) ng paumanhin, well it’s her right (ituloy ang demanda).”
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan