Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, magkakaroon na ng bagong TV show

NAKA-NDA o non-disclosure agreement si Kris Aquino sa pinirmahang kontrata na ginanap sa bahay niya kasama ang manager niyang si Cornerstone President at CEO, Erickson Raymundo at Vice President ng kompanya na si Jeff Vadillo.

Ilang beses naming tinatanong ang mga taong nasa paligid ni Kris kung ano at para saan ang kontratang pinirmahan niya dahil excited ang dating TV host at good news pa aniya.

Pero base sa tsikang nakuha namin ay may kinalaman ito sa pagbabalik telebisyon ni Kris bilang host.

Siyempre nag one plus one na kami dahil imposibleng sa ABS-CBN dahil hindi pa nare-renew ang prangkisa nila, hindi rin sa GMA 7 dahil kung puwede, eh, ‘di sana noon pa nang inilapit siya ni Willie Revillame pa.

Hmm, possible kayang sa TV5 ng ONE TV na ngayon at ipalalabas sa Cignal bilang online show?

Ang tsika kasi sa amin ng ilang kakilala roon ay sisigla na ulit ang entertainment nila dahil maraming mapapanood na bukod sa mga teleserye, may tagalized movies, game show, at talk show pa.

Kung talk show ang pag-uusapan, sino ba ang may forte pagdating dito, hindi ba’t si Kris lang?

Ang tanong na lang namin since block timer ito, sino ang producer?

Anyway, abangan ang formal na announcement ni Kris kung para saan ang pinirmahan nitong kontrata kamakailan.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …