KASAMA ni Kim Chui ang miyembro ng grupong PISTON nang mamigay ng relief goods sa jeepney drivers sa Monumento, Avenida, at Baclaran.
Sa totoo lang, ang transport group ang naglabas sa kanilang Face Book account ng pamamahagi ng tulong ni Kim. Walang inilabas na litrato ang aktres sa kanyang social media account.
May face mask at face shield ang Chinita Princess suot ang kanyang Bawal Lumabas merchandise shirt na suot din ng ilang drivers.
Mahigit tatlong buwan nang walang pasada ang mga driver kaya ‘yung iba ay sa kalye na nakatira at nanghihingi ng tulong.
Samantala, sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga, tampok ang pitong jeepney drivers na nawalan ng hanabuhay dahil sa pandemya.
Bilang tulong ng noontime show, binigyan ang pitong drivers ng P20,00.00 each upang makapagsimula uli sa buhay.
I-FLEX
ni Jun Nardo