Saturday , November 16 2024
prison

6 puganteng ‘POGO’ employees na Tsekwa balik-hoyo sa Karingal

MAKALIPAS ang 24-oras pagpuga, balik-hoyo ang anim na Chinese national, sinabing pawang empleyado ng ilegal na offshore gaming operations makaraang madakip sa isinagawang manhunt operation ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Martes sa lungsod.

 

Ayon kay QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo, nadakip sina Zhang Yi Xin, 28, Ludong Jin, 38, Song Qicheng, 29, Lu Yinliang, 26, HuangYong Quio, 29, at Chin Bin, 28, dakong 9:30 pm sa kanto ng Mapagkumbaba St. at Polhencio St., Barangay Krus na Ligas, QC.

 

Nagtago ang mga dayuhan sa isang madamong kanal malapit sa Kampo Karingal.

Ayon kay Montejo, nang makarating sa kanya ang impormasyon hinggil sa pagtakas ng anim na Chinese nitong Lunes ng gabi, agad niyang pinasuyod sa kanyang mga tauhan ang karatig barangay ng Kampo sa paniwalang hindi pa nakalalayo ang mga pumuga.

 

Simula Lunes ng gabi hanggang Martes ng gabi, hindi tinantanan ng mga operatiba ang pagsuyod.

 

Dakong 9:30 pm, kahapon, 23 Hunyo, lumabas ang anim sa pinagtataguang kanal nang tumaas ang tubig sa pagbuhos ng ulan dahilan para mahuli ang mga pumuga. Bukod dito, inakala ng anim na wala nang mga pulis sa lugar.

 

“Inakala nila na walang pulis na nakaposte kasi umalis na ‘yong  mobile na nasa lugar kaya, sila ay lumabas na sa pinagtataguang kanal,” pahayag  ni Montejo.

 

Samantala, mula sa 12 pulis na naunang sinibak, ikinulong at kinasohan na sina  P/Maj. Adonis Escamillan, P/MSgt. Eranio Caguiao, P/SSgt. Alvin Macrohon, P/Cpl. Mark Niño Canicon, P/Cpl. Reymund Evangelio, P/Cpl. Loreto Calzo, Patrolman Denver John Dela Cruz, P/SSgt. Recolito Ortega III, P/MSgt. Jaime Maala, P/Cpl. Jocelyn Villanueva, P/Cpl. Nelda Seno, P/SSgt. Andres Tungcul, may tatlo pang karagdagang pulis na sinibak si Montejo.

 

Sila ay kinilalang sina P/SSgt. Karan Chomling Faragso, P/Cpl. Gregson Budao at P/Cpl. Mark Manuel.

 

Ang mga pulis  ay pawang nakatalaga sa District Mobile Force Battalion at pawang nahaharap sa kasong paglabag sa 224 o Evasion Through Negligence sa Quezon City Prosecutor’s Office.

 

Ang anim na Chinese ay pawang nahaharap sa kasong syndicated estafa at sasampahan pa ng kasong disobedience at resistance. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *