Monday , December 23 2024

Utol ni Duque BFF ni Duterte (Malabong sibakin kahit inuulan ng batikos)

TINAPOS ng isang opisyal ng Palasyo ang matagal na palaisipan sa mga mamamayan kung bakit hindi sinisibak sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque kahit ilang kontrobersiya ang kinasangkutan lalo sa sinabing iregularidad sa paghawak ng pondo kaugnay ng pandemyang coronavirus disease (COVID-19).

Isiniwalat kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, malapit na kaibigan ni Pangulong Duterte ang kapatid ng Health secretary na si Atty. Gonz Duque.

“He is very close to the brother of Sec. Duque, Atty. Gonz Duque,” ani Roque sa panayam ng CNN Philippines.

“Atty. Gonz Duque was the only one who welcomed the President in Dagupan City when he ran as President. And of course the friendship of the President and Atty. Duque goes way back from his presidency. They’ve known each other for a long time, they are both San Beda Law graduates. I can only say that they have a very close and deep friendship,” dagdag ni Roque.

Kombinsido ang Pangulo na mayamang angkan ang mga Duque kaya hindi na magnanakaw sa kaban ng bayan ang Health secretary.

“They are very wealthy owning a school, a university and various other businesses in Dagupan,” aniya.

Itinaya ng Pangulo ang kanyang reputasyon sa pagtatanggol sa katapatan ni Duque bilang public official.

Si Duque at iba pang opisyal ng Department of Health (DOH) ay nahaharap sa imbestigasyon ng Ombudsman bunsod ng pagbili sa 100,000 COVID-19 test kits at iba pang iregularidad sa kagawaran kaugnay sa pandemya.

Gayonman, tiniyak ni Roque na hindi iimpluwensiyahan ng Pangulo ang imbestigasyon ng Ombudsman kay Duque. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *